read it today from abante
Epektibong paglaban sa mga carnappers at abusadong driver
Inaasahan na malaki ang maibibigay na tulong ng bagong proyektong inilunsad ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) para malutas ang kaso ng nangyayaring carnapping at naglipanang abusadong driver ng mga pampasaherong sasakyan.
Nabatid na ang paglu*lunsad ng 24-hour at 7-days a week na LTO online at text ng ahensya at ng information technology provider nitong Stradcom Corporation na panguna*hing layunin ay mapabilis din ang transaksyon sa nasabing ahensya maliban pa sa nasabing problema ng kriminalidad sa bansa.
Ipinaliwanag ni LTO chief Alberto Suansing na ang nasabing proyekto ng ahensya ay bilang tugon na rin sa dumaraming rekla*mong natatanggap nito laban sa mga abusadong drivers, partikular sa mga taxi drivers.
Sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng internet at cell phones ay higit na mapapadali ang lahat ng transaksyon sa ahensya tulad ng pag-a-apply ng lisensya at pagpaparehistro ng sasakyan.
Sa pamamagitan umano nito ay maiiwasan din ang mga biktima ng mga nakalat na fixers sa iba’t ibang tanggapan ng LTO sa bansa kung saan sa pamamagitan lamang ng text ay maaari nang malaman ang tamang paraan ng pag-a-apply ng lisensya at rehistro.
Gayundin, sa pamamagitan ng internet ay madaling malalaman kung ang isang sasakyan ay “hot car” o carnap dahilan sa nakapaloob sa data bank ng LTO ang lahat ng nilalaman ng bawat sasakyan.
Sa pamamagitan ng pag-log in sa http://www.lto.gov.ph sa internet na magbibigay ng impormasyon sa proseso ng pagbabayad ng Motor Vehicle at Law Enforcement & Traffic Adjudication System certification.
Habang sa pamamagitan naman ng text o LTO HELP at i-send sa 2600 ay madaling malalaman ang proseso ng pagkuha ng lisensya at rehistrasyon ng sasakyan.
I-text lamang ang LTO VEHICLE at plate number ng sasakyan (halimbawa LTO VEHICLE URX361) at ipadala sa 2600. Makakatanggap kayo ng reply kung anong mo*delo ang sasakyan, kailan ito huling narehistro, at kung may pending bang kaso o alarma ito.
Sinubukan kong mag-text at wala pang limang segundo ay may reply na. P2.50 ang bayad dito kada text.