Bump from behind, palaging yung nasa rear ang may fault.
Share ko lang po yung experience ko and to warn you tsikoteers na rin since this may be a modus operandi na baka ma-encounter niyo.
It happened 2-3 months ago na. So here it is.
I was driving at this street, my cruise speed is 40-50km/h, since I'm not a tailgater driver (I always drive with at least 3-6 meters distance between the car in front of me and mine), at my back is a tailgating motorcycle (lam niyo naman mga nagmomotorsiklo).
So back at the story, ang nasa harap ko ay isang bulok na sasakyan (70's or 80's pa ang model so luma na talaga). Nasa gitna ng kalye yung lane namin so cruising at around 40-50km/h, bigla siyang prumeno nang walang ka-abog-abog and dahil wala itong brake lights, hindi ko napansin kung brake to the metal nga ang ginawa niya. Napansin ko nalang na kailangan ko na palang umapak ng malakas sa brakes and then..
ayun, I did'nt hit the lokbu car, and bam, yung motorsiklo sa likod ko ang tumama sa akin. wasak headlights niya and nayupi likod ng advie ko bwiset. I looked at the lokbu car, ayun mga 5 lalake ang nasa loob, mukhang mga goons, kinatok ko pero nagmamadali daw sila at may pupuntahan sila (pero prumeno sa gitna ng kalye at full stop).
so nagbayad naman ang nakabanggang motorsiklo sa amin, nag-share lang ako ng experience sa inyo dahil sa tingin ko yung lumang sasakyan na nag-full stop eh naghahanap ng disgrasya dahil sa kanila eh walang mawawala sa auto. Kukuyugin ka nalang bigla siguro kung natamaan mo sila at hihingan ka ng pera eh samantalang lokbu na yung kotse.
So ayun, ingat lang palagi mga tsikoteers and please iwasan ang tumutok sa harapan niyo please lang.
