Kahapon sinadya ko lumabas around 4PM-5PM, yun yung observation ko peak ng heavy traffic dito sa Taytay.. Pero normal flow ang traffic, natagalan ako sa parking sa SM Taytay na inabot ako 30 minutes sa pila..
Sa parking, halos puno na.. Yung usual na hindi naman pinaparadahan meron na nakaparada.. Swerte lang na nung pag-park ko, sakto may kakaalis lang..
Nung nakapasok na ako sa SM Taytay, inaasahan ko siksikan mga tao at mahaba pila sa grocery.. Mali pala ang akala ko, below to normal lang ang dami ng tao at normal lang din ang pila sa grocery..
Umuwi ako past 7PM wala din heavy traffic.. Marami ata napagod nung weekend, buti na lang nag-stay ako sa bahay at pinili ko ang Tuesday.. [emoji16]