
Originally Posted by
boybi
baka sabihin na naman ng iba dyan na porque't kaya kong magbayad e hindi na ako nagrereklamo. tama, kaya kong magbayad ng new toll fee at hindi ako nagrereklamo. kagaya ng mga nauna kong posts (dun sa isang NLEX thread), importante sa akin makadating ako on time sa pupuntahan ko. dati rati, kahit maaga akong umalis, nale-late pa rin ako minsan. ngayon, hindi na ako nalelate.
ang puno't dulo nito ay ang inefficiency ng government natin. kung naging maayos lang ang naging pamamalakad ng government agency na humawak sa NLEX nung na-turn over sa government ang NLEX nung time ni Pres. Cory, e di hindi siguro ganito kamahal ang toll fee ngayon. sobrang pinabayaan dati ang NLEX, kaya ibinalik sa PNCC ang pagmanage nito. and FYI, mas mahal po ang pag maintain ng isang expressway kumpara sa ordinary highways (like McArthur Highway). mas mabilis ang mga sasakyan dito, kahit yung mga dambuhalang trailers na puno ng mabibigat na cargo e mabilis tumakbo sa NLEX kaya mas mabilis makasira ng daan. kaya mas kailangan ng regular maintenance ang NLEX, which means talagang kelangan maningil ng toll fee para dito.