Mga pare ko, tanong ko lang, Madalas sa mga parking lot me mga taong kasama ng driver na magsa-save ng spot kahit na ang kotse nila ay malayo pa. Na-experience ko kasi last Sunday, Me nag-save na babae sa parking lot, pero nauna namang ang auto ko kaysa sa car nila. Tapos ayaw umalis ng babae para makapasok ako at sinaa-save daw niya yung spot para sa car nila. Sa mga ganitong pagkakataon sino ba sa tingin ninyo ang me right sa spot? IS it first CAR, first served or first COME first ,served?
first CAR! parking slots are not for people, but for cars. ako i tell them in a polite way na nauna ako sa slot para umalis sila. and pepwesto nako para magreverse parking, pag gumanon ka, aalis din naman sila eh :D
Mga pre, nangyari sa akin yan, nauna ako pero may nagssave ng parking slot pero wala pa ung car nila, sinabi ko na nauna ako kaya umalis ung Mama. nakaparada nga ako pero pagbalik ko may guhit ng mahaba ung gilid ng car ko. Sa open parking ng SM north ito. Kaya ingat sa mga ganyan mga pre.
wala pa akong na-experience na ganyan.
pero kung mangyari sa akin yan and there's no space left, ipapasok ko na yung sasakyan ko. hanapan ko na lang siya ng "batas" na nagsasabing pwede yung ginagawa niya. maybe a security guard nearby can mediate who's right or wrong. and i'll surely have it blotted in the guard's logbook our names for security reasons, in case anything happens to my vehicle in the parking area.
pag ganong case hinahayaan ko na yung may mga taong nakasave sa spot...hanap na lang ako ng iba...i'm sure meron pa naman, save myself from arguing with him/her and have my car getting risked of scratched.... at least kun medyo malayo ka nag park at wala kang kaaway, meron kang peace of mind ... compare sa nakipagargue pa ...
dati di ko alam kung bakit nakatayo dun yung isang miss, pagtapat ko dun sa slot sabi niya reserve daw. tanong ko san yung kotse? sagot,padating na raw. di na ko nakipagtalo kasi babae.
naalala ko tuloy yung mga mahabang pila sa mga bus stations lalo na pag holidays. may mauuna sa loob or may aakyat sa bintana tapos irereserve yung mga seats.
Oo nga... Just look for another slot. Usually naman yung mga ganyan nangyayari sa mga slots na malapit sa mall entrance eh. Marami pa namang vacant slots the farther it gets from the entrance. (Yun nga lang... if the place is not safe, baka ma-holdup ka naman if you park in a far and isolated slot.)
Originally posted by sturbo naalala ko tuloy yung mga mahabang pila sa mga bus stations lalo na pag holidays. may mauuna sa loob or may aakyat sa bintana tapos irereserve yung mga seats.
Hehehe... hindi lang yon. When you get to your seat, pati yung overhead luggage compartment na dapat para sa iyo, MAY LAMAN na! Pati yon, 'reserved' na rin. :D
sometimes you have to fight fire with fire.. pag natyempuhan ako na nasa bad mood (very rare naman ito) pabayaan ko lang sila, hanap ako ng ibang parking. pero balikan ko ung car, ako naman guguhit. para naman magtanda sila na hindi fair or tama ung gawa nila. FIRST CAR, FIRST SERVED!!!
mahirap din kasi makipag argue minsin sa mga ganyan kaya hinahayaan ko na...
pero muntik na ako makipag-away dati.. dahil nandoon na ako sa tabi ng car na paalis at naka signal light na rin ako, then meron lumapit na babae sa driver kung paalis na.. ayun sya na yung naka save..#$%^& hehe..
pag ako nagpa-park, pinabababa ko yung kasama ko para i-save na yung slot pag hinihintay lang namin lumabas sila.. kasi meron mga sira ulo na nang-aagaw
hindi ako nagse-save ng slot ng malayo ako sa slot..
ganyan din minsan ginawa ko reverse parking agad umalis naman pagbalik ko may putol na putol na guhit sa pintuan SM North open parking space din. %&**# kakadetail ko lang sa kotse nun.. pero ganyan pa din ginagawa ko pag may nag save ng slot na di naman dapat pero pag ka park ko lalayo lang ako ng konti tapos titingnan ko na kung may lalapit sa kotse. kung sakali makakatikim sa kin ng besbol bat yun.
Originally posted by mk pag ganong case hinahayaan ko na yung may mga taong nakasave sa spot...hanap na lang ako ng iba...i'm sure meron pa naman, save myself from arguing with him/her and have my car getting risked of scratched.... at least kun medyo malayo ka nag park at wala kang kaaway, meron kang peace of mind ... compare sa nakipagargue pa ...
agree...wag ka na makipag talo.. let it go, di naman tayo yayaman sa pakikipagtalo sa mga ganyan.;)
True... a ruined day is much cheaper to fix than getting a huge dent or scratch on our car's paint. :D
If a guy is willing to let his wife/daughter/sister/gf block the path of an incoming car just to 'reserve' a parking slot... then maybe pwede na silang pagbigyan.
Hindi mo talaga maiiwasang mainis pero mas mabuti kung pababayaan mo nalang. Alam naman nila sa sarili nilang mali ang ginawa nila eh kaya bahala na ang kunsensiya nila sa kanila. :D
Btw, hehe, inagawan nga pala ako ng parking slot ng isang GREEN CRV w/ plate no. DST 133 sa may Progressive Feeds malapit sa SM North. Umaatras at medyo nakabali na ako ng biglang siyang sumulpot sa likod sabay kabig papasok dun sa space. Nainis talaga ako lalo na nung lumabas siya at kunyari eh walang nangyari. Tumingin sakin yung security guard at halatang nahihiya kaya sinita ko ng maayos at sinabi kong sa susunod eh huwag na niyang pababayaan na may mangyaring ganun. Hinanapan niya ako ng bagong slot pero sabi ko huwag na dahil medyo mainit pa ang ulo ko. Ang taray. Hehe.
Sa mga nakakakilala sa kanya, paki sabihan nalang kasi baka next time hindi katulad ko at sira ulo ang makabangga niya. TY! :D
masamang ugali nga yang paniningit; it only reflects how rotten ang training ng mga ganyang klaseng tao; kasi charity begins at home, di ba?! nakakababang tingin sa kapwa pinoy pano na kung sa foreigners? "wow, so this is how filipinos behave!"
ako naman no open slot but i was there ahead by 5minutes when this car came; pag alis ng isang car i made my move occupying the slot; the "feeling anak-trapo driver" approached me telling me how come i was so swapang, uneducated, etc.;
di nako umimik dahil binanatan na sya ni mrs. ko ng kung ano-anong mura din; napahiya si loko kasi iyong ermats nya at wife were calling his attention to step back at meron na ngang bakante ulit..
what a lousy & immature kind of breeding!!
maraming pinoy ganyan ang ugali.. arogante at pikon akala mo me pinagmamalaking tatay na senador o me isang milyong hektaryang nakaw na lupain.. peace