Results 1 to 10 of 21
Hybrid View
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Sep 2015
- Posts
- 13,917
March 28th, 2019 11:50 PM #1
Ito ah bago lahat naawa ako doon sa babae. Lantang-gulay na.
Pero as a motorist eh napaisip ako ano ginawa nyan para pitikin sya ng pwet ng kotse. Honestly ilan beses na ako nag-iimagine na makaganti sa mga mokong na motorcyle na cut ng cut, overtake, Hindi tumitingin pag lumiliko. Parang tingin nila eh pedestrian sila na kotse ang automatic hihinto. Yang nangyari sa video eh ilan beses ko naisip na ganyan mismo gagawin kaso takot ako dahil kalat na cctv at smartphone. At ayoko makulong sa bilibid kita mo na lang itsura gaano kadugyot nakakawala ng dangal so philippine prison is not worth taking a risk.
Sa tinngin ko kung mautak yang si kotse eh igagarahe na yan. Papaabutin one year bago ipabody works. Sesecretuhin hindi na magkukwento. Kung may isa pa sya kotse at malaki garahe nya eh create a "new accident" - But problem sa ganito eh you need the cooperation ng kasama mo sa bahay. Baka pumiyok yan. Sabi nga eh the best crime eh yung nagiisa ka lang.
Kung gusto nya talaga malinis eh ichopchop mo na yan.
Pero if nagtrip lang si kotse eh salvage na agad. Palabasin na lang nanlaban.
So ito para sa mga motorcycle sa kaangasan nyo = Nadamay yung umangkas. Kita nyo gaano kavulnerable na pinitik lang ng kotse eh nagpatalbog-talbog na yung katawan sa kalsada.
So as always maging matino sa kalsada lalo na kung may kasama. Wag feeling schumy, Wag feeling motocross. Nakakamatay yan.Last edited by kagalingan; March 29th, 2019 at 12:03 AM. Reason: Pinitik pala hindi pinuwitan
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Sep 2015
- Posts
- 13,917
March 29th, 2019 05:13 PM #2May nagsumbong na!!!! Lagi na daw nacover kotse for the past few days. Kung yan yun eh instant 500thou.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 54,205
March 29th, 2019 06:40 PM #3
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 2,271
March 30th, 2019 02:47 PM #4wala kayang kuha ng cctv malapit sa insidente.pero kung ako ung naka dashcam na yan siguraduhin kong hindi makakalayo sa akin ung tsikot nayan.makita ko manlang lang ung plate or ung model ng tsikot niya at kulay...
-
-
March 30th, 2019 03:26 PM #6
Nagka-initan siguro somewhere, then gumanti yung naka kotse.
Sad to hear one of the victims died from the injuries.
Sent from my iPhone using TapatalkLast edited by benchph1; March 30th, 2019 at 03:28 PM.
-
March 30th, 2019 03:38 PM #7
Dadaanin lang iyan sa aregluhan... Promise sasagutin yung medical ng lalaki at paglibing na babaeng nakaangkas...
Fortunately pa nga sa kanya namatay yung babae since masmalaki yung sasaguting gastos kung nabuhay siya.
Sent from my POCOPHONE F1 using Tapatalk
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Sep 2015
- Posts
- 13,917
March 30th, 2019 06:14 PM #8wow sumuko ah. Panuodin ko interview para malaman ko kung sya talaga or baka may tinatago baka may anak yan eh.
Murder ba ikakaso or homicide.
Nagkainitan ba daw.
-
March 31st, 2019 01:39 AM #9
Just a hunch na baka kumakarera or nagro-road trip itong driver na ito. I was just at Marcos Highway a few nights ago at nung nasa may Burger King kami may mga nagkakarerang motorsiklo. Pinatitigil yung mga sasakyan at doon sila nagkakarera. Then halos kasunod nila eh mga kotseng humaharurot din at ang iingay ng tambutso. Habang pauwi kami nilalagpasan kami ng mga kotseng ganito. I also noticed na mukhang yung iba eh paikot-ikot lang sa Marcos Highway speed driving. Baka one of these guys yung driver at nainis siguro nung naharangan ng motorsiklo ng biktima. Sang-ayon kasi dun sa lalaki eh palabas siya ng Marcos Highway kaya pumagitna sa motorcycle lane. Sakto naman sigurong pagdaan nitong humaharurot na kotse na ito.
Edit: Eto raw pala ang paliwanag ng suspect:
Nakunan sa dashcam video ang pagbaybay nina Belen at Ugto sa motorcycle lane ng Marcos Highway nang biglang sumulpot ang kotse ni Carlos noong Martes.
Iniwasan ng kotse ang motorsiklo pero pagkabig ay nasalpok din ito, dahilan para tumilapon ang dalawa, base sa kuha.
Paliwanag ng suspek, hindi niya namalayang may nabundol na siyang motorsiklo.
“I was moving fast, may lubak iniwasan ko, didn’t see or feel anything, I just saw my car on TV so it took me three days to realize and surrender," ani Carlos.
Nangako ang suspek na magbibigay siya ng tulong-pinansiyal sa pamilya ni Belen, pero hindi raw ito tinatanggap ng biktima.
“Hindi pera ang kailangan namin kikitain namin iyan, gusto ko makulong siya, dahil nawala sa amin 'yung asawa ko," aniya.
Hmmmm... mukhang it's a long stretch of the imagination since wala naman ako natatandaang may lubak sa lugar na pinangyarihan. Tapos didn't see or feel rin daw yung nabundol nya, eh kaya nga siya nag-preno eh andun na sa harap nya yung nagmo-motorsiklo. So para di niya matantya yung pagbalik niya ng linya medyo mahirap paniwalaan. Dagdag pa, after nya bumalik ng gitnang linya humarurot siya ulit ng mabilis na parang tumatakas. So my hunch still stands na baka he's one of those speed demons sa Marcos Highway.Last edited by gearhead000; March 31st, 2019 at 02:00 AM.
-
Tsikoteer
- Join Date
- May 2006
- Posts
- 1,668
March 31st, 2019 02:42 AM #10Ang kinaiinisan ko, sayang buhay pa sana yun angkas if they only wore their helmets correctly.
Isang bundol, talsik helmet. Tsk tsk.
Sent from my ONEPLUS A5000 using Tapatalk
If you don't have a spare tire, a tire inflator using the socket of the car as power outlet is the...
Liquid tire sealant