Anong meron sa Camp Karingal na pinipilit nung buyer tropa ko na dun i clear yung OR/CR nung kotse nya na binibili, instead na sa LTO branch kung san andun registered yung sasakyan?
Eto yung scenario:
Yung magbabayad nung kotse yung financing company na kausap nung buyer. Ang gusto ng financing company, itransfer muna sa name nila bago magkabayaran, syempre hindi pumayag tropa ko, tapos ang hirit nung financing company dalhin na lang nila yung unit sa Camp Karingal para ipaclear, tapos babayaran na siya once cleared? Buti na lang tinawagan nya muna yung bayaw nyang army rin sa Camp Nakar, huwag daw siyang pumayag, kasi delikado yung ganun.
May naka experience na ba sa inyo mag pa clear sa Karingal?




Reply With Quote
