New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 22

Hybrid View

  1. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    43
    #1
    Hi mga master.

    Papatulong lang just to confirm ano ba traffic code natin with regards to overtaking? A friend of mine kase was involved in an accident. Basically, ang kwento nya pumasok sya isang residential area na 2-way pero 2 lane lang. Nung nasa curve na sya near an intersection he had to stop kase may paatras na sasakyan kase na nag mamaneobra sa harap nya. Nung patapos na yung maneobra nung sasakyan sa harap nya he inikabig daw nya yung sasakyan nya slightly sa left side kaso hinde nya napansin na yung nasa likod nya ni cut na pala sya sa left side nya yun tinamaan yung driver side ng sasakyan nya. Bali tanong ko sino ba at fault dito sya or yung nakabangga sa kanya? As far as I know kase bawal mag overtake sa mga curve, near sa intersection, or sa mga daan na less than two lanes on the same direction.

    Sabi kase nung nakabangga dapat daw tumingin muna sya sa side mirror bago nya iniwas kotse nya.

    TIA!

  2. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    17,314
    #2
    Dapat talaga tumingin muna siya bago lumiko. That's a basic tenet of defensive driving.

    Kahit pa no overtaking zone, your friend had the last clear chance to avoid the incident since nakasimula na magovertake yung kotse sa likod so he should have noticed it in his side mirror.

    Also, bihira may explicit no overtaking zone sa loob ng metro manila. Mas common yan sa highway.


    Posted via Tsikot Mobile App

  3. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    43
    #3
    Ah ayun siguro nga may fault din sya kase naging kumpyansa sya. Pero yung pag overtake sa curve at near intersection hinde po ba bawal yun?

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,172
    #4
    Quote Originally Posted by jut703 View Post
    Dapat talaga tumingin muna siya bago lumiko. That's a basic tenet of defensive driving.

    Kahit pa no overtaking zone, your friend had the last clear chance to avoid the incident since nakasimula na magovertake yung kotse sa likod so he should have noticed it in his side mirror.

    Also, bihira may explicit no overtaking zone sa loob ng metro manila. Mas common yan sa highway.


    Posted via Tsikot Mobile App
    IMO, Iyang "last clear chance" ang pinaka-unggok na batas trapiko rito sa atin... Kaya pag mabubunggo na,- itapak mo na sa silinyador para ikaw ang binunggo... Hay naku....



    23.0K:bokmal:

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #5
    Malamang kanya kanyang bayad na yan.

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,772
    #6
    baka naman kasi akala nung nagovertake e nakapark yung kaibigan ng TS. kasi nga, curve yun so di niya alam na may nagmamaneobra sa harap kasi lagpas sa curve. dito kasi sa atin andami din nagpapark sa apex ng curve. still, naghintay dapat yung nag overtake ng konti and assessed the situation. or bago siya nagovertake, bumusina or nagflash man lang siya.

    yung friend naman, dapat nga tumingin din sa side mirror bago kumabig. basic naman to. kasi kung di man kotse, baka motor or bike or even tao (jogger) naman ang padating galing sa likod niya.

    sa korte, yung mas negligent (the one who did the least to avert the accident) ang magiging liable.

  7. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    25,211
    #7
    Kanya-kanyang bayad na ng yan, pareho silang may kamalian eh. Mas malaki pa gagastusin mo if ipagpipilitan na idaan sa judicial process for sure.

  8. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    1,362
    #8
    Yung nagovertake sa likod di din naisip na pwedeng may kasalubong na sya. I think mas-reckless yun nagovertake. But still, could have been avoided if the side mirrors were used for its purpose (tingnan ang likod bago lumabas ng lane). Notorious kaya mga naka 2 wheels sa ganyan, bigla na lang oovertake. Kung motor yung nabangga mo for sure ikaw ang may kasalanan, since sa kanila norm na yung lane splitting.
    Last edited by leodawesome; April 11th, 2014 at 05:47 PM.

  9. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    43
    #9
    Hi, Mga master.

    Just to give an update, sasagutin na nung nag overtake yung repair. Bale insurance to insurance na yung mag uusap. Ang sabi kase ng imbestigador since pa curve yun at sobrang lapit sa intersection at nakita nya tumigil yung nasa harap nya dahil may nagmamaneobra dapat hinde na nya ipinilit sasakyan nya mag overtake, ano ba naman daw difference ng ilang segundo na mag iintay sya. Pero parehas sila may ticket, 300 pesos multa.

    Salamat sa mga sagot po dito.

  10. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,205
    #10
    from what i know, bawal overtaking on tall bridges or approach to such bridges, dahil hindi makita kung ano ang nasa kabila.
    ang alam ko, ganyan din sa curving roads na hindi nakikita kung ano ang sumasalubong.
    in your query, it seems to me, both are at fault. they were both attempting to do something not allowed by traffic law.
    "you go to court..you better be sure your hands are not dirty.."

Page 1 of 3 123 LastLast

Tags for this Thread

Law regarding overtaking