
Originally Posted by
luis_
Question lang kasi 1st time ko naflag down ng enforcer. Kanina kasi galing ako new york cubao tapos nag turn right sa edsa southbound para mag uturn sa my intersection doon sa aurora. Maya maya lang may mmda na pumara sa akin. Violation ko daw nasa yellow lane ako at dapat daw nilagpasan ko yung fence bago ako mag right turn ng edsa. Yung fence kasi nasa 3rd lane na from right side so parang swerving naman pag ginawa ko yun. Kinuha nya yung license ko at kunin ko na lang daw sa guadalupe. Nung sinabi ko na taga olongapo ako (ayun nakalagay sa lisensya ko pero dito na ako sa qc nakatira) sinoli nya at pinaalis na ako.
Kapag na flag down ba kailangan ipakita yung lisensya sa enforcer?
Wala ba sila kinukuha doon at baka mamaya pag nag renew ako magkaproblema ako?