Results 1 to 10 of 35
-
September 27th, 2005 06:00 PM #1
Handa na ang local government ng Quezon City upang ipatupad ang bagong traffic scheme.
Simula sa Oktubre 1, Sabado, maghahain na ang Quezon City ng sariling ordinance violation receipts (OVRs) para sa mga pasaway na motorista na babaybay sa naturang lungsod.
Sa ilalim ng Quezon City traffic code, sisitahin at kukumpiskahin ng traffic enforcers ang isang driver’s license ng isang violator at bibigyan ng OVR. Ang nakumpiskang driver’s license o vehicle plates ay maaaring tubusin sa QC Department of Public Order and Safety na matatagpuan sa Kalayaan Avenue.
Ang bagong traffic scheme ay hinalaw mula sa uniform ordinance na ginagamit at ipapatupad na ngayon ng ilang Manila cities at municipalities.
Ang mga koleksyon buhat sa traffic violations ay mapupunta sa Q.C. Ang naturang lungsod ay umaasahang kikita ng P30 hanggang P50 million kada taon.
Umaabot sa 300 traffic enforcers ang sumailim sa mga seminars ukol sa ordinansang ito. Sila rin ang magpapatupad ng sistemang ito laban sa mga traffic violators, bagay na nagpasibat sa tungkulin dati ng Metro Manila Development Authority enforcers.
************************************************** ********
baka iyon 300 traffic enforcers ..ay iyon mga dating taga MMDA din ...hehehe
-
-
Nagtatanim ng kamote
- Join Date
- Jun 2005
- Posts
- 787
September 27th, 2005 06:11 PM #3Ay nako... ang gulo talaga dito sa Metro Manila. Iba-iba ang systema sa bawat siyudad.
I think we need an elected governor for Metro Manila. We need a unified system for lots of things (traffic, garbage, crime prevention, etc...) that only an elected official with a mandate from the people can implement (unlike the current MMDA).
It would make perfect sense but the current mayors (eg Binay) would oppose it because their powers would be curtailed.
-
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2004
- Posts
- 1,311
September 27th, 2005 06:17 PM #5Sorry pero medyo hindi ko maintindihan yung balita, ano ba yung scheme na ipapatupad nila?
-
September 27th, 2005 06:20 PM #6
hindi ko rin gets. . sana may downloadable list ng new rules and regs na yan
-
September 27th, 2005 06:23 PM #7
Originally Posted by chris_d
Oo nga parang malabo. Missing yung scheme details.
-
-
September 27th, 2005 06:54 PM #9
Originally Posted by chris_d
Ang bagong traffic scheme ay hinalaw mula sa uniform ordinance na ginagamit at ipapatupad na ngayon ng ilang Manila cities at municipalities.
may lalabas pa naman cguro sila additional info before Oct.01 ,2005
-
September 27th, 2005 07:07 PM #10
Originally Posted by BoEinG_747
totally wrong approach kaagad yung diskarte nila. traffic management is about engineering the flow of traffic,... hindi yan business or income generating proposition. nak ng kamote talga oo:fire:
Di ko alam about sa miata. But I was able to help my uncle acquire a unit para sa pinsan ko kasi...
6th Gen Mazda MX-5 Miata