New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 35
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    Handa na ang local government ng Quezon City upang ipatupad ang bagong traffic scheme.

    Simula sa Oktubre 1, Sabado, maghahain na ang Quezon City ng sariling ordinance violation receipts (OVRs) para sa mga pasaway na motorista na babaybay sa naturang lungsod.

    Sa ilalim ng Quezon City traffic code, sisitahin at kukumpiskahin ng traffic enforcers ang isang driver’s license ng isang violator at bibigyan ng OVR. Ang nakumpiskang driver’s license o vehicle plates ay maaaring tubusin sa QC Department of Public Order and Safety na matatagpuan sa Kalayaan Avenue.

    Ang bagong traffic scheme ay hinalaw mula sa uniform ordinance na ginagamit at ipapatupad na ngayon ng ilang Manila cities at municipalities.

    Ang mga koleksyon buhat sa traffic violations ay mapupunta sa Q.C. Ang naturang lungsod ay umaasahang kikita ng P30 hanggang P50 million kada taon.

    Umaabot sa 300 traffic enforcers ang sumailim sa mga seminars ukol sa ordinansang ito. Sila rin ang magpapatupad ng sistemang ito laban sa mga traffic violators, bagay na nagpasibat sa tungkulin dati ng Metro Manila Development Authority enforcers.
    ************************************************** ********

    baka iyon 300 traffic enforcers ..ay iyon mga dating taga MMDA din ...hehehe

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #2
    sana parepreho na lang sila ang gulo.

  3. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    787
    #3
    Ay nako... ang gulo talaga dito sa Metro Manila. Iba-iba ang systema sa bawat siyudad.

    I think we need an elected governor for Metro Manila. We need a unified system for lots of things (traffic, garbage, crime prevention, etc...) that only an elected official with a mandate from the people can implement (unlike the current MMDA).

    It would make perfect sense but the current mayors (eg Binay) would oppose it because their powers would be curtailed.

  4. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,465
    #4
    so hindi na mmda ang in-charge sa traffic control sa qc?

  5. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    1,311
    #5
    Sorry pero medyo hindi ko maintindihan yung balita, ano ba yung scheme na ipapatupad nila?

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,307
    #6
    hindi ko rin gets. . sana may downloadable list ng new rules and regs na yan
    Got Mazda?-http://www.MAZDAtech.org [SIZE="1"]est. 2000[/SIZE]
    got mazda 2? -> mazda2ners

  7. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    2,343
    #7
    Quote Originally Posted by chris_d
    Sorry pero medyo hindi ko maintindihan yung balita, ano ba yung scheme na ipapatupad nila?

    Oo nga parang malabo. Missing yung scheme details.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #8
    dadami nanaman ang mga buwaya sa mga kanto

  9. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #9
    Quote Originally Posted by chris_d
    Sorry pero medyo hindi ko maintindihan yung balita, ano ba yung scheme na ipapatupad nila?
    Ang bagong traffic scheme ay hinalaw mula sa uniform ordinance na ginagamit at ipapatupad na ngayon ng ilang Manila cities at municipalities.
    gaya cguro ng scheme ng sa MAKATI City

    may lalabas pa naman cguro sila additional info before Oct.01 ,2005

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #10
    Quote Originally Posted by BoEinG_747
    Ang mga koleksyon buhat sa traffic violations ay mapupunta sa Q.C. Ang naturang lungsod ay umaasahang kikita ng P30 hanggang P50 million kada taon.

    ************************************************** ********
    dito ako natatakot sa ganitong klaseng ordinance or traffic enforcement scheme. ang focus nila yung kikitain. parang ninenegosyo nila yung panghuhuli ng traffic violators. dapat ang emphasis yung edukasyon ng motorists about proper driving behavior at saka yung pag implement ng traffic alleviation schemes. hindi yung pupuntiryahin mo yung kikitain... ay sos...sigurado corruption na naman kalalabasan nito.

    totally wrong approach kaagad yung diskarte nila. traffic management is about engineering the flow of traffic,... hindi yan business or income generating proposition. nak ng kamote talga oo :fire:

Page 1 of 4 1234 LastLast
Bagong traffic system sa QC ipapatupad na sa Oktubre 1