INTERNATIONAL na rin ang ilegal na operasyon ng mga fixers sa Land Transportation Office (LTO) dahil puwede na rin daw silang magbigay ng lisensiya sa mga Pinoy na nagtatrabaho o nakabase sa abroad.

Ayon sa source, sa halagang P5,000, puwede nang bigyan ng professional/non-professional driver's license ang mga nasa abroad na nais magkaroon ng Phi-lippine driver's license.

Kasama na sa paketeng ito ang bayad sa drug test bilang non-appearance fee. Ang bayaran, ayon sa source, ay nangyayari umano sa pamamagitan ng courier o pera padala-express.

Kalimitan sa ibang bansa, kinakailangan muna nila ng local driver's license tulad ng lisensiya ito sa Pilipinas bago muling makakuha ng international driver's license na madali na rin umano nakukuha sa pamamagitan ng non-appearance.

"Kahit nasa abroad ka, ibigay mo lang ang litrato mo saka iyong sapat na halaga, madali ka namang makakukuha ng lisensiya," sabi ng source.

Kalimitan, ang nagiging parokyano ng ilang tiwaling empleyado ng LTO ay mga nurse, engineer at teacher sa ibang bansa, gayundin ang iba pang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng oras para kumuha ng lisensiya sa Pilipinas bago lumabas ng bansa.

Nangyayari ito dahil na rin sa luwag ng sistema sa LTO, bukod pa sa tumitinding corruption sa ahensiya.
************************************************** ********
kaya pala may nakasabay ako sa abroad
may PRO license na di marunong mag drive

ang masaklap nito ng ma-expired na renew pa pero di naman nag dri-drive