New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 12 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 111
  1. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    554
    #1
    Ano kaya ang mas marami.... mga pasaway na driver na mga professional naman kaya lang di ginagamit ang pagiging professional o mga bobong driver basta makakalusot lulusot kahit makabangga o mabangga, basta ang alam lang kung papaano patakbuhin ang sasakayan yun na... bahala na kayong mga kasabay niya na ang umilag at magbigay galang sa bobong driver?


  2. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    2,341
    #2
    pareho lang yan. bobo, ogag, pasaway, mayabang. pareho pareho lang yan! imho

    edit: depende sa bobo ah, may bobo na newbie driver pa lang, may bobo din na matanda na kase. which is both acceptable for me.

  3. #3
    naglipana talaga lahat ng iyan sa mga kalsada sa manila.

    kakainis talaga. pero kung makaasta sila, parang mga hari at laging tama.

    pano nga kaya masosolusyunan yan?

  4. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    554
    #4
    Quote Originally Posted by rockiee_s View Post
    naglipana talaga lahat ng iyan sa mga kalsada sa manila.

    kakainis talaga. pero kung makaasta sila, parang mga hari at laging tama.

    pano nga kaya masosolusyunan yan?
    Yan.... ang tama, papaano reresolve ang problemang yan?, Sigurado akong may sasagot dyan sa tanong mo.... na Kasi nasa 3rd World Country tayo at mas behave pa ang driver natin compare sa china,thailand,vietnam,India....etc. papaunahan ko na sila ng sagot na.... GAGAYAHIN BA NATIN SILA?... HAHAHAYAAN NA NATIN MATULAD SA KANILA NA WALANG DISIPLINA? Sana dapat ang mentality natin .... NAIIBA ang PINOY.... kahit 3rd world country.... DISIPLINADO. Ang kaso pati ahensiya ng Gobyernong arroyo wala sa lugar.... imagine LTO at DOTC sa web site nila di ka makapag complaint o makapagbigay ng comment... yung email address nila ghost lang... mag email.... babalik syo kasi walang ganoong email ads.....hay naku.... ANONG KAYANG PAGBABAGO SA PAG UPO NI NOY AQUINO.

  5. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    23
    #5
    madaming uneducated. Paano napakadali kumuha ng lisensya. Ilang pursyento ng driver sa pinas ang talagang may alam ng lahat ng rules? Dito basta marunong magdrive ayos na.

    pano ayusin? pag test-in (drive and written) ng MABUTI ang lahat ng magrerenew at kukuha ng bagong lisensya. As in matinding test!! walang lagay, walang suhol. In 3 years, pag nakapagrenew na lahat at nasala na (meaning madaming hindi pumasa), kahit paano e sana sana tumino ang kalsada natin hehehe. Pero posible ba to sa pinas? :-D

  6. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    554
    #6
    Quote Originally Posted by 31gna View Post
    madaming uneducated. Paano napakadali kumuha ng lisensya. Ilang pursyento ng driver sa pinas ang talagang may alam ng lahat ng rules? Dito basta marunong magdrive ayos na.

    pano ayusin? pag test-in (drive and written) ng MABUTI ang lahat ng magrerenew at kukuha ng bagong lisensya. As in matinding test!! walang lagay, walang suhol. In 3 years, pag nakapagrenew na lahat at nasala na (meaning madaming hindi pumasa), kahit paano e sana sana tumino ang kalsada natin hehehe. Pero posible ba to sa pinas? :-D
    Agree ako dyan sa exam at drive test na sabi mo.... pero ang masama pag may lisenya na.... hindi ipapasok sa utak nila yung tama kundi ipapasok yung KAYABANGAN. Ang maganda.... tayo tayo na lang ang maghulihan....hindi naman yung tayo ang baba at sisita sa kapya driver kundi SANA MAISIP NG LTO na lahat ay may cellcam.... kunan ng picture yung sasakyan na gumawa ng violation w/ of coarse kita plate # at kung anong violation na makikita sa picture... then DAPAT may website sila na pwdeng i-upload yung picture at pag aaralan ng LTO yung picture..then ipapadala yung copy ng picture w/ ticket sa violator doon sa may ari kung saan nakaregister ang sasakyan.... kahit sino pa ang driver basta ang mananagot yung may ari ng sasakyan.Kung di bayaran?.... di sila makapag register ang kanilang sasakayan. Kaso mo.... ang LTO wala talaga...wala TAYONG MAAASAHAN . Dyan tiyak.... na tatabi ang mga bobong driver ng bus at jeep at mawawala na ang mga walang hiyang nagbaba at nagsasakay ng pasahero sa gitna ng kalye....

    NOY.... ibigay mo sa akin ang LTO at DOTC,tiyak mawawala ang traffic hehehe. Gagawin ko....una yun nga sinabi ko na sa itaas.... HINDI sa lahat ng kalye pwede ang tricycle... limitado na sila.... bawal na ang padyak sa kalye hanggang eskinita lang sila na di pwdeng daanan ng sasakyan (Buti nga natalo si Roxas kundi mapupuno ng padyak ang kalye natin). HINDI NA PWDENG GUMITNA ANG MGA MOTORCYCLE... DOON LANG SILA PWDE SA TABING LANE para mabagal lang ang takbo nila kung maaksidente sila.... maliit lang ang damage...kasi akala nila kasing tigas ng body ng car ang katawan nila... alisin ko ang number coding....ipapalit ko ang color coding para isang araw isang color lang ng sasakyan ang makikita mo... eh di uniform (hehehe joke). ETO ang maganda..... Ipagbabawal ko ang private own public transfortation.... lahat government ang may ari....hindi nation wide ha? Mega-manila lang (muna)
    EWAN KO LANG KUNG DI LUMUWAG ANG MEGA-MANILA. Tapos.. Ipapatupad natin ang NO JAYWALKING.... penalty? 50 pesos 1st offence, 100 pesos sa 2nd offence.... basta times 2 kada ulit... pag walang ibayad ang violator? dadalhin sila sa mga area ng manila bay at mga ilog at kanal para maglinis ng basura, di tulad ng ginagawa ng mga MMDA puro bakod wala namang silbi at pangpapasikip lang sa kalye...additional gastos pa yon ng mga taxpayer hay...naku MMDA pa pogi lang kayo.... Pag nangyari yon... luluwag ng husto ang mega-manila....Imagine... ilang bariles ng gas ang naaakasaya ng dahil sa trafic....

  7. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    244
    #7
    mas marami bobo, all thanks to LTO branches all over the country - for passing and issuing them license and assisting them kuno in passing their exam

  8. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    52,698
    #8
    ang driver na bobo, ay nagiging pasaway, dahil hindi hinuhuli.
    ang driver na hindi bobo, ay hindi nagiging pasaway.
    requirement ang kabobohan sa pagiging pasaway.

  9. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    110
    #9
    magandang idea din pag hinuli ka e ang paggawa ng community service specifically ang pag linis sa environment. just my two cents

  10. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    69
    #10
    malamang milyon milyong driver ang nagkalisensya ng walang alam na mabuting asal sa kalsada... ni paggamit ng signal light hindi pa magawa... pero ang paghataw sa busina sobra sobra... lalo na yung mga PUJs - sana naman seryosohin ang pagpapatupad ng sistema... :

Page 1 of 12 1234511 ... LastLast
Ano ang mas marami.... Pasaway na driver o bobong driver?