New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    May 2011
    Posts
    8
    #1
    Naka bili ako ng Toyota XE 1.3 bigbody
    kaso ang problem na experience ko now is pag wala ako aircon
    grabe ang lakas ng hatak at mabilis ang kotse, pero pag naka on na ang
    aircon parang na babawasan power ng kotse yung hatak ng kotse
    hindi na gaano.

    i tried replacing:
    spar plugs (bosch)
    pressure plate
    new clucth disc
    release bering

    ano po ba ang dapat adjust or papalitan pag ganito and problema.
    lahat ng parts stock pa rin.
    help naman mga bigbody owers dyan

  2. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    3,774
    #2
    normal na mababawasan power ng kotse pag nag on ang compressor but the idle up should compensate this.

    kung sobra talaga ang pagbaba ng power, pacheck mo compressor ng aircon. original pa ba ito? kung napalitan na baka sobra laki compared the original. mas malaki load nito sa engine. kung original pa compressor baka compressor bearings lang na naninikit.

  3. Join Date
    May 2011
    Posts
    8
    #3
    possible din kaya yung alternator ang pwede ko upgrade to higher Amps kasi yung stocks lang yung alternator na maliit.
    but the compressor naman di ko alam if stock o upgraded na. ask ko bukas sa mechaniko. duda kasi ako sa iba mechaniko
    baka mang hula lang ng problema sa kotse kakatakot mag tiwala kasi specially may money involved

  4. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    3,774
    #4
    load din ang alternator sa engine. unless you really need to upgrade due to accesories, i suggest just keep it.

  5. Join Date
    May 2011
    Posts
    8
    #5
    nag check ako ng alternator sa kotse nakita ko maliit lang alternator ng car di ko alam
    if necessary ba palitan ito with higher amps para malakas kuryente ng car to add power?
    di ko tlga alam what to add here or to do with this issue. parang na babagalan ako ng power
    pag naka aircon ang init pa naman minsan at maulan, di rin pwede naka open lang windows
    ng car.

  6. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    273
    #6
    Tama yung sinabi ni sirkosero. Kapag malaki ang compressor, malaki ang bawas ng power sa kotse mo..remember 1300cc lang ang XE mo. Ang may malalaking compressors ay usually mga 1600cc up na makina.
    Dont upgrade din sa malaking alternator, you'll just add burden sa makina mo, baka lumaki ang fuel consumption mo.
    Try to check the ff: (1) ignition timing; (2) air/fuel mixture; (3) idle actuator (if your a/c is ON); (4) ignition system (contact point, condenser, spark plug gap & ignition cables)....

  7. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    166
    #7
    ganito rin problem ng auto ko, corolla xe rin yung akin. pag naka aircon ang bigat ng hatak. bago pa nasira yung compresor ko mahina na talaga ang hatak kahit bagong semi overhaul ang auto ko, akala ko dahil sa compresor kya mahina hatak, may problem n rin kasi yung compressor maingay na. nagpalit ako ng compresor, sanden 507 ang pinalit ko, ganun pa rin, walang hatak pag naka ac, parang ang bigat ng karga ko kahit mag-isa lang akong nakasakay. pero nung bagong bili ko tong xe kahit second hand walang problem sa hatak kahit naka aircon. hindi nagpapaiwan sa mga bagong kotse, pitik pitik lang ako sa accelerator sumisibat na, hinahanap hanap ko yung dating hatak nya pero di ko na maibalik. paano kya?

Toyota XE 1.3  (12valve) (carb)