First time ko po dito sa forum and meron lang akong mga katanungan. First, how to join the club..and secondly kung ang price na 490k for Avanza 1.5G A/T (2007) ay tapat sa market..Also, pano ko po malaman kung ang sasakyan ay hindi nabaha.. This is my first time to have my own car, and second hand na lang tinignan ko na Avanza since ito ang type ko for my family, 7 seater. (843K kasi ang bago) anyway sabi nila once nailabas sa casa, deppriciated na agad ito... thanks po
could be na-ondoy...or else baka palugi ang benta.
kakatakot din ang presyong yan na 490k...
pwede na yan pang dp sa brand new model...
kung direct buyer pwede pa siguro...
pero lugi parin yan kung ako magbenta...
eto nga from 540T to 400T na lang?? katakatakataka...
http://www.sulit.com.ph/index.php/vi...g+a+t+for+sale
Dami kasi na ondoy kaya dami takot bumili ng 2nd hand kaya hirap magbenta ngayon ng 2nd hand di gaya noon. Pati tuloy non flooded cars bumaba benta
Gaano itatagal ang isang sasakyang nabaha?..Talaga bang magkakaroon ka ng sakit ng ulo kapag ang sasakyan ay nabaha? Napakahirap kasi na malaman na ang mga sasakyan ay hindi nabaha..Paano kaya yung mga nasa casa na nabaha binebenta pa rin kaya ito.. Curious lang po..
hayysss.... almost 2 months na ung avanza ko hanggang ngaun wala pa rin ung plaka
ganun ba talaga katagal mga bossing ang processing ng plaka? hindi ko alam kung normal to o kelangan ko nang magsungit
Guys ask ko lang, nag-totouch up paint ba ang casa? Gusto ko sana ipagawa yung mga maliit na sabit sa front bumper ko at right front door. TIA!
kung malakas ka sa SA mo.. pwede ka humingi nang paint.. tapos ikaw na lang mag touch up.. kaya lang hindi din papareho ang kulay.. tried it with my champagne gold.. sa toyota c5 ko pina touch up dati.. lutang yung kulay nya pag ni touch up.. mas maganda patira mo yung buong bumper..
good day mga sir, thank u nga pala sa forum na to at sa lahat ng tumulong para makakuha ng magandang deal.. 1 week na ang avanza ko sadly wala talagang black kaya kinuha na rin namin yung champagne. pero ok lang, masaya rin naman kamiafter 4 days may lumabas na agad na problema sa unit, yung third row seat ayaw mag-lock
punta kami sa service center ng toyota bukas, sandali lang po kaya gawin 'to?
ayaw mag lock?? baka naiipit yung carpet.. or kulang lang sa bagsak.. ganyan pag bago..