Quote Originally Posted by jerjer1992 View Post
Nakuha ko na po yung avanza mga sir hehehe. Hindi naman po ganon kalakas sa gas and alaga naman po yung oto niya. Tanong ko alng po san po pala ang fuel filter nitong gen1 avanza? tulad din ba ng vios na nasa loob ng tangke? pero parang walang access dito di tulad ng sa vios na aalisin lang passenger seat sa likod.
Chief, sa Avanza kelangan ninyong ibaba yung tangke para ma access yung pump/filter. Ilan na pala yung milyahe ng Avanza nyo? Number 1 na kelangang alagaan or i-monitor dyan especially dun sa luma is yung radiator/condenser fan motor. Nagiisa lang kasi sya, kaya pag nasira, overheat kaagad. Sabi sa casa, hanggang 80k kms daw tinatagal, pero kung babad sa traffic i doubt di tatagal ng ganun. Sa akin dati pinalitan ko na nung 65k kms pa lang para sure. So far very reliable naman sya, though napilitan akong ibenta para sa mas malaking sasakyan for my growing Family's needs.