Have a few more questions pala, if you don't mind.
1. How much did you shell out for this rear-bumper guard? Sorry kung nasagot mo na ang tanong na ito, wala lang akong matandaan.
2. Pasadya ba ito?
3. Ready to weld na ba yung mounting niya?
4. Meron na bang mga templates para sa Avanza para mabilis nilang magawa?
5. Saan mo ipinagawa?
6. Matagal bang i-fabricate? How long did you wait from ordering to installation?
7. Pwede bang mag-request ulit na mag-post ng picture nung pagka-welding niya?
8. Dun sa picture na pinost mo, sir, napa-repair mo na ba siya? Nabaluktot yata siya nung binangga, right? Parang may konti pa siyang dent.
9. Curious lang ako, bakit tinanggal po yata yung chrome gas tank cover ninyo? Sa avanzaclub.ph website kasi, meron dun sa picture ng avanza ninyo.
Thanks in advance for your response, sir.
Last edited by woohoo; June 1st, 2008 at 09:13 PM.
Hi guys.. sa wakas naka login narin ulit.
Inform ko lang po na papunta na ako ng indonesia ulit by june 11,
pwede na kyo ulit mag habilin.....(pasalubong daw..)dito nalang po sa kabilang thread: http://tsikot.yehey.com/forums/showt...t=49134&page=9
Puwedeng ma void ang warranty mosa electricals.
Takot pa ako nuon, wala pang 1 month, nagpakabit ako sa casa ng alarm, door locks, fog lamps and spoiler with third brake light.
Pero mga 2 months ago, pinapalitan ko ang stock side mirror ng J to power side mirror with LED.
Sir Burjegol, sa Banawe ka ba nagpakabit ng bull bar mo? Kasi in-offer din ako ng ganyan na klase kasama front. Ito daw yung nilalagay sa revo, P8,5K and offer nila sa akin, front and rear. Pero sabi ko next time na lang, inuna ko kasi ung roof rail, rack at stepboard e 9,5K na damage ko sa 3.
Hi Jem's99 baka meron tayong member dyan sa Laguna area na aattend ng EB at pwede kayo makisabay.
Ako din po very limited pa areas na kayang puntahan but everytime na may EB at clueless about the venue andyan palagi ang aking mga friendly neighbors namely Spongee and Shadow ~ talaga pong hindi nila ako iniiwan!
Hope to see you soon!
Sir, sorry if I offended you. No offense meant doon sa previous post ko. as for your queries, eto ang mga sagot.
1. Mga 3.8K Php
2. No, ready made na ito
3. Yes. support brackets na lang ang idinagdag
4. I think this was pre-fabaricated, sukat talaga para sa avanza. di ko sure kung pwede din ito sa iba.
5. Banawe, Ginza auto accessories. diyan ko lahat kinuha ang mga accessories ko. contact ko diyan ay si Richelle as recommended before by ACP member Judell 74.
6. Actually, nag-inquire lang muna ako. then sabi nila, meron daw para sa avanza. since la ako dala pera that time, sabi ko balik na lang ako next day. The next day, andiyan na ang bumper, mga 1.5 Hrs ang pag kabit.
7.Sori tol, andito na me sa labas ng pinas
8. Actually, ang bumper ay may slight curvature inwards, para humagod sa katawan ng unit. meron nga siya slight dent dahil sa pagkabangga pero di masyado halata. makikita mo lang pag tama ang angle ng lighting.
9.He-he.Hindi exact ang pagkakabit, kaya nagagasgas ang inner portion ng gas tank (yung tinatakpan ng gas tank cover)
Hope this satisfies your curiosity. Again, tol, sori if I sound offensive.
Sir, ang mga accessories ko ay kinuha ko lahat sa ginza, banawe. ang sa pagkatanda ko, the step board, roof rack, front bumper (shark) at mga chrome bling-blings inabot ata ako mga 31 K. Ang bulbar sa likod, huli na iyan naipakabit. methink mga 3.8 K Php ata iyan, libre na kabit, pero binigyan ko ng extra ang nagwelding para matibay ang pagkagawa niya.