The best kung once a week ay na che-check ang lahat ng mga fluids ng mga Avanza natin. Warning sign kung may mga patak sa floor ng garahe.
Before and after a long trip dapat ma check din lahat including tire pressure of all 5 tires. Wag kakalimutan ang spare.
BTW, kung stock pa ang battery nyo, be sure to add battery fluid at least once a month. Do not over fill.
Ang pinagtatakahan ko, sa Honda, every 10K ang palit ng oil and oil filter. Synthetic oil din ang gamit.
Any way, I make it a point na pag nag check ako ng oil level sa dip stick, I check the quality of the oil with my fingers. BTW, I use synthetic oil starting from my 10K. Nag 15K ako today, siguro next week ko pa madadala sa casa for change ng oil filter and for additional oil. Nagpapapalit na rin ako ng carpet. :D
kung mag park kayo sa Ayala Center sa Makati.. dito na lang kayo mag park sa new Anson's building.. may mga single slots din...
no more teller.. it will ask you to press a button then it will dispense a parking card.. then it will take a picture of the front of your car with the plate#
medyo mataas lang yung ascend.. kasi 3rd floor na yung start nung parking eh..
flat rate of Php45.00 until feb. 28 yata.. then most probably ipapareho na sa GB parking which is 40.00 first 5 hours, 15.00 on the 6th hour then 35.00 for the 7th hour onwards
sir....ang alam ko kahit pagawan mo ng police report yan para makaclaim ka sa insurance.... meron ka padin participation na 3.5k... kung magkano aabutin ng touchup paint ng hood mo.... if the cost of touch up paint is 5k... 3.5k ang sagot mo den 1.5k sa insurance..... ....
sakin nga din eh... may gasgas sa left passenger door.... omg sobra badtrip talaga.... everday nakapark lang sa front ng metrobank den pagcheck ko sa hapon may gasgas na.... d ko lam kung mga bata ung gumawa nun eh... sobrang badtrip talaga.. pinapaganda mo sasakyan mo.. halos ayaw mo ngang padapuan sa langaw eh... tapos gagasin lang.... kung nakita ko lang un... ibibitin ko ng buhay un....
share ko lang.. kagabi pala.. may nakita akong Avanza J na white na pumarada sa harap nang condo namin.. gamit sya pang service nang massage business.. heavenly care yata name.. aba nagulat ako.. napakadaming laman.. siguro more than 15 yun laman.. 4 sa unahan.. 6 sa gitna tapos 6 or more sa likod.. tinanggal nya yung 3rd row tapos sa flooring lang naka upo yung anim.. pang drop at pickup nung mga nagmamasahe.. grabe.. hehehe
dito naman sa makati.. may nakita din akong Avanza J na white na ginagawang shuttle service.. iba yung 3rd row sit nya.. katulad nung sa FX.. magkaharap..
hayyyy!!! haba na naman po backreading ko di na kaya ng 1 upuan... belated happy heart's day to all na lang anyway, it's still feb. so, love month pa rin and thanks sa mga greetings.
lam ko mas malaki pang participation mo kesa share ng insurance pag minor damage lang.. mas menos kung sa labas.
welcome!!! kasali ka na!
ang tagal naman nyan!!!! malapit lapit ng mag 1st bday avanza mo wala pa sticker?!!!tong gawin mo!
sorry to hear that ISLAw Palitaw.... yong scratch ko qoutation sa casa 2.5k kung ipapasok mo ng insurance mas mapapamahal ka pa sa participation fee. sa may waltermart ko pinagawa 1.5k, naging 2.2k lang kasi pinasama ko na ung gasgas sa ilalim ng front bumper. pareho tayong champagne, so alam na nila yon.
grabeeeeeee!!!!di na naawa kay vanzy. hehehe!
Thanks Bro for the info... Oo malalim yung gasgas mga 1 dangkal ang haba, marunung yung tumira, cguro susi yung ginamit at talagang tanggal yung paint. Anyway, magpapa-5K PM na din ako ngaun saturday sa Toyota Manila Bay, itatanong ko siguro at baka mai-libre din nila, kung hindi pa-estimate ko din kung magkano magagastos kung pahilamos ng buong hood at kung sasagutin ng insurance, baka nga mas malaki pa magastos ko sa participation, patingnan ko na lang muna sa pinagpagawaan ni Ma'am Jem's99. at baka makamura pa ako.
Oo nga Hanamsi korek ka dyan, sobrang bad-trip talaga! Sabi nga ng wife ko eh, isang factor din daw yung sobrang kintab ng sasakyan kaya nakaka-attract ng attention ng ibang driver to the point na ka-iinggitan nila ang ayos ng sasakyan mo kaya tuloy pagtritripan na gasgasin. Yung iba naman, mga kabataan o bata na ang may kagagawan. Yun talaga eh walang ng ibang magawa sa buhay kaya gumagawa ng perwisyo sa ibang tao...![]()
pag tuklap ang paint.. at ni retouch.. talagang medyo halata sya.. at iba ang color... dapat dyan.. pa pa spray-an mo na.. para pumantay..
Sir islaw talagang iba ang magiging resulta kahit pala yung galing sa toyota ang touchup paint. Siguro kapag bago pa ang car ndi ma-fadeout ang color. sinubukan korin dito sa indonesia ang touchup pero ndi talaga match ang kulay. Alam ko kc after paint may clear coat din.