guys advice lang. wag na kayo bili dun sa spacetech sa banawe. bought a lot there tapos lahat ng kinabit may kapalpakan nangyari.
1st time we went there, kumuha kami ng spoiler with 3rd brake light, tail light extension, chrome side mirror cover and console box. the paint used for the spoiler pareho naman ang kulay pero d masyado glossy but ayos naman ang pagkakabit. tapos, the taillight extension after around 2 hours umangat yung pagkakabit (half na lang ang nakakabit). tapos yung chrome cover totally nalaglag sa parking ng sm that day. buti na lang bumalik ako sa parking lot at nakita ko. and lastly the console box d maganda ang pagkakabit sa may hand brake.
cguro dapat d na kami bumalik dun, but because medyo mura accessories dun, we went back the 2nd time. pinaayos ko yung mga d nakakabit ng maayos. and bought door handle covers at 950 pesos. we also bought backup sensors with rearview camera (brand: goldeneye) at 10k. 4 hours nila ininstall!

ok lang sana maghintay ng matagal pero nung pauwi na kami. we passed by sa starbucks and as i backed out of the parking area, d maayos ang lumalabas sa monitor (puro static na lang, wala ng picture).

at pati yung kinabit ng mga chrome, umaangat na din kahit pa 3m yung pinagamit ko. and 1 of the sensors umaangat sa pagkadikit sa bumper.
worse of all, nagkaron ng dent yung avanza while waiting in banawe for the sensors to be installed. wala pa man din plaka ang ride ko!
i called up the shop at ako daw muna ang magcheck sa mga wiring.

as if i know what to look for.
ayaw ko na talaga bumalik dun. kunan ko pictures at ipost ko dito. minsan talaga mahirap sa mura dahil baka mapamura ka talaga.
