Good day mga bossing,


May nabangga kasi akong kotse (Toyota Altis 2006-2010 model siguro not sure) while leaving the parking lot, masyado kasi ako nag tiwala sa Guard sa parking so hindi ko na tiningnan masyado yun inuurungan ko.

May mga 5-6 inches na Vertical Dent (lumubog) yung part na naurungan ko.
binilugan ko sa picture sa baba kung anong area yung nayupi.



Question #1:
Mga magkano kaya bossing yung gastos para ipa-repair ito? Yung Lubog nya pahaba (vertical), hindi naman pabilog, kanto kasi ng likod ko yung tumama.


Question #2:
Eto bossing yung mga picture ng Insurance ko, covered kaya ng insurance ko yung pag papa repair sa na-bangga ko?






Question #3:
Nawala yung Official Receipt ng Lisensya ko, kailangan daw yun pag nag claim ng insurance, may paraan po ba para maka kuha ng bagong OR para sa Lisensya ko?


Salamat ng marami mga bossing, sorry mejo madami tanong.

Thanks!