mga sir, pag umaarangkada me naririnig na akong katok. GL1 93 big body to. 10K/L or less lang ba talaga ang consumption nito? kasi kung hindi, mukhang malakas na sa consumption.

sa mga nabasa ko kasi dito, mas OK na magpalit na lang ng surplus kung ibababa rin lang yung makina para i-overhaul.

at mukhang maraming nagsasabing yung 4a-ge silvertop eh OK based on price and performance. note lang na di ako nakikipagkarera, pang daily commute yung kotse. actually kahit na yung 4a-fe na stock ok na rin. pero kung di nalalayo ang presyo, 4a-ge na lang. a little(?) more horsepower wont hurt.

kung magpapalit ng makina, saan ang OK na shop? please recommend.

at me iba pa bang papalitan? me nabasa ako na i-upgrade ang breaks. anong klaseng upgrade to? mas malaking caliper? mas malaking disc?

meron pa bang ibang kailangang i-upgrade?

and lastly, sakto ba yung 4a-ge sa 93 Gli? o me mga bracket pang kailangan ipagawa?

siguro sa puntong to na-realize nyo na na wala akong kaalam-alam sa engine swap.

kung meron kayong ma-recommend na isang shop na gagawa nang lahat na to, mas OK.

salamat!