May nakaranas na ba ng faulty ECT sensor? Yung sensor na nasa itaas, halos kadikit ng ECU. Nag-check engine yung big body ko (AE101 with 4afe) code 22 ang lumabas. ang symptoms (or result) hard starting, stalling, at parang inuubo yung tambutso. kung aandar man siya kailangan mo talagang tapakan yung gas para umandar. lumalakas ang fuel consumption ko kapag nangyayari ito. Orig toyota sensor costs 4k+ sa casa habang ang surplus is 2.5k.

first question: nasisira ba talaga ang mga sensor or baka wiring lang or bad connectors lang? kasi sinubukan kong magtanggal - kabit, nawala yung ilaw ng CEL pero makaraan ang ilang linggo umilaw na naman.

second question: kung sira nga yung sensor ko, saan ako makakabili ng trusted na surplus? sobrang laki kasi ng difference sa casa pero medyo alanganin ako sa surplus baka kasi sablay din. Or meron bang OEM sensors?

thanks in advance!