New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 12
  1. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    54
    #1
    hi guys, tatanong ko lang kung ano ba ang possible problem ng smallbody ko kasi once On ko yun A/C, di na sya ngaautomatic. kahit long drive sya laging deretso parin ang aircon nya. ano kaya ang possible culprit dito. Bagong linis ko na ang IACV at ok nman ang vaccum lines. mukang ok din nman ang compressor, pero bakit ganun ayaw nya magautomatic kaya parang walang pahinga ang A/C ko. Thanks. hope to hear from you guys.

  2. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    52,688
    #2
    kelan ba nag-umpisa yang problema mo? baka naka-set ng maximum cool ang thermostat...
    baka naman, bagong bili ang kotse mo, at ni-rekta ng previous owner..
    more information, please..

  3. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,173
    #3
    Quote Originally Posted by error47 View Post
    hi guys, tatanong ko lang kung ano ba ang possible problem ng smallbody ko kasi once On ko yun A/C, di na sya ngaautomatic. kahit long drive sya laging deretso parin ang aircon nya. ano kaya ang possible culprit dito. Bagong linis ko na ang IACV at ok nman ang vaccum lines. mukang ok din nman ang compressor, pero bakit ganun ayaw nya magautomatic kaya parang walang pahinga ang A/C ko. Thanks. hope to hear from you guys.
    bring it to your trusted car aircon repair shop, pa-check/pa-replace mo yung thermostat switch o baka nga nirekta nung previous owner o nung previous na nagrepair.

  4. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    96
    #4
    bro, di nag automatic air-con mo, you mean di control ang lamig lalo pa siyang lumalamig habang tumatagal? Thermostat yan baka sira na or sagad ang setting, or nag auto siya di mo lang ramdam or naririnig ang engage ng compressor. Puwede na diyan yun mechanical thermostat na ipalit 200pesos lang yon..

  5. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    54
    #5
    actually hindi naman ito naka full engage dati, ngayon ko lang napansin na lagi sya nka ON or engage ang compressor. kinalas ko na ang compartment ang tinignan ko yun thermostat switch, muka naman sya gumagana dahil pag inaalis ko yun 2 wires or kahit isang wire namamatay naman. saka yun relay kinalas ko rin gumagana naman. 2nd hand na kotse na ito. dati kasi nag aautomatic ito eh, adjustable ba yun thermostat sa cooling preference mo kung saan gusto mo sya mag shut off pag nareach nya yun lamig sa cabin. gusto ko sana sumukan alisin yun evaporator kaso nagdadalawang isip pa ako, meron kasing alamber na nakakabit sa evaporator baka kako kumalas iyon kaya di sya nagautomatic. meron bang way para matest ko ang thermostat switch? alam ko kasi yun ang sumusukat ng lamig at once na nareach nya yun lamig na nakaset sa temp mo dun sa evaporator saka sya mag automatic. ano po sa tingin nyo problem? thanks

  6. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    877
    #6
    anu itsura ng mechanical thermostat ? un ba ung may mahaba na payat na bakal na ilalagay sa loob ng evaporator ?

  7. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,173
    #7
    Quote Originally Posted by EE100shiro View Post
    anu itsura ng mechanical thermostat ? un ba ung may mahaba na payat na bakal na ilalagay sa loob ng evaporator ?
    here it is...

    in some cars makikita yan kapag binaklas mo yung glove compartment dun nakatago sa likod ng G.C or yung dashboard samay passenger side.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,064
    #8
    kahit sagad ang thermostat kung hinde sira mag automatic yan. kung ok naman lahat then thermostat na nga yun sira.

    ako lagi sagad thermostat ko, sa blower na lang ako nag adjust.

  9. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    96
    #9
    bro. mechanical thermostat puwede ma testing yan sa yelo babad mo lang yun sensor dulo ng capillary tube, set mo lang sa pinakamababa mag disconnect yan mga 1minute, kung yan ay good thermostat. Kailangan lang kalasin ang evaporator para mailagay mo ng mganda yun sensor ng thermostat sa evaporator.

  10. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    54
    #10
    yes nakita ko nga ito.. meron syang wire or alambre..papuntang evaporator. madali ba kalasin yun evaporator? kailangan ba ng extreme skills para kalasin yun evaporator? baka kasi hindi ko maibalik ng maayos eh. san ba kinakabit yun dulo ng wire ng thermostat? sana meron tayong pictures kung saan nakakabit yun dulo ng wire sa evaporator. pero isa sa mga good thing to test this is sa gabi kung working ba ito or not.

Page 1 of 2 12 LastLast
ae92 aircon problem