I have read this thread before, and had the same (intoxicatingly) bad experience with Toyota Alabang.
Eto pinagdaanan namin last year during regular checkup / repair ng fortuner. I skip sa mga details, kasi so far eto yung talagang tandang tanda ko pa:
1) very unprofessional kung kelan matatapos ang checkup ng kotse
- napaka halaga ng oras; kaya naman dapat atleast malapit sa katotohanan dapat ang estimate nila kung kelan matatapos ang kotse. kaso, ang estimate nila, almost 10hours sa katotohanan! kung alam ko lang na hindi totoo ang estimate nila ng oras, sa iba na ako nagpa-checkup! And to add, ni hindi nila i-carwash ang kotse! hindi man lang isama yun? kahit na hindi naman sobrang dumi ng sasakyan! dapat sinama na basic carwash.
2) may kailangang i-repair na konting gasgas ang fortuner. simpleng repair lang ang kailangan, pero inabot nanaman ng ilang araw! kaso, kinabukasan pag tingin ko sa kotse, hindi pulido ang gawa!!! so, ini-schedule ko ulit para maibalik at mapaayos ulit... Nung pagbalik namin, WOW!!! May upos sa loob ng kotse, nag YOSI!!! So, we reported this problem and so sorry lang naman sila. sabi ko, hindi kami nag yo yosi, at grabe ang gumawa kasi may hulog hulog kalat pa ng upos all around sa front seats!!! Umusok ang ilong namin dito, omg! I can't find any word pero grabe talagang bad trip, walang respeto at napaka unprofessional ng ginawa nila.
3) Just now, nagpa regular checkup ulit kami pero sa Rapide na. And, alarmingly, ang break disk ay sira na at kailangan daw palitan!!! It would be P15-18k daw! ang tanong ko, hindi pa dapat nakita yung break pad kung sira na dun sa last checkup ng kotse??? Or, hindi kaya pinalitan ng pangit/ sirang disk break ang sasakyan namin nung huling checkup ng kotse???
Pahingi naman ng comment, idea nyo sa #3. Bago pa ang fortuner, wala pang 3yrs.
