guys, share ko lang...
kanina after kong pumunta sa DFA to get a passport eh dumeretso ako sa NBI (Taft) para kumuha ng clearance... tapos hindi na pala doon, sa may Carriedo na.
iniwan ko na lang yung tsikot sa public parking harap ng medical center manila then nag-LRT na lang ako. Sa UN Avenue Station ako sumakay.. while getting money for the card at dahil sa pagmamadali ko ay di ko namalayan nalaglag yung Php200 peso bill ko. napulot nung security guard at sinoli nya sa akin. di ko talaga alam nang may bigla kumalabit sa akin. kung tutuusin pwede nya na itago yon.
i was so glad kasi marami pa rin pinoy na mapagkakatiwalaan. After kong bumalik pinuntahan ko ulit sya para magpasalamat at inabutan ko ng Php20 para may pameryenda. Ric Manuel nga pala pangalan nung guard.
Sa inyo po. Mabuhay po kayo!!!


Reply With Quote

