Quote Originally Posted by ooba99 View Post
Kung ako sa yo sir moejun2, babalik ako para pangaralan yung gasoline boy. Pero ibibigay ko rin yung P750 na bayad. I'm sure hero ka pa sa mata ng gasoline boy. Payong kaibigan lang po. Pasok pa nga sa lenten season ng nangyari yan. Well, it doesn't have to be lent to do the right thing.


Sir XTO, nasilip ko sa Shell sa Commonwealth in UP P24.80 na rin ang diesel.
yes po doc, meron pang 24.80 dito sa Q.C. Shell and PTT (bago lang) along EDSA in front of SM Annex. alam ko kaya lang nagbaba sa 24.80 ang Shell dun dahil katabi niya nga ang PTT.

Sinubukan ko diesel ng PTT sa Crosswind sabay interbyu sa gas boy:

ako: dyan sana ko sa shell na katabi nyo eh pero subukan ko dito. bakit wala nagpapa gas sa inyo?

gas boy: ser wala pa masyado suki, january lang kami pero mga taga comelec dito nagpapa gas. (pero malaki station nila at maganda lighting - super liwanag)

ako: baka marumi diesel n'yo? irereklamo ko kayo

gas boy: ay hindi po ser, imported yan at fiberglass ang tangke namin

ako: 'ba! okay ah sige, pag maganda diesel n'yo dito ko rin dadalhin yung isang sasakyan ko


in fairness, parang pumino pa takbo ng XTO ko kani kanina lang pauwi hehe. observe ko pa rin. medyo maganda yung narinig ko na fiberglass ang tangke nila eh

lumalabas tuloy pang testing na lang si XTO ah