Mga bossing, ask ko lang po kung paano malalaman na malapit ng maupod ang brake pad at sabay po ba na papalitan para sa apat na gulong or pair (both front or both rear) po ang pagpapalit.

Para po ito sa RAV4 (2004 model ko), kasi nakakarinig ako ng matining na tunog pag nag brake ako pag slow drive or ung nag mamane-obra ako sa garahe. Pero pag drive naman ako sa hi-way same pa din ang pakiramdam ko at kapit pa din ang brakes.

Meron pa bang measurement in term of km para yun ang maging basis sa pag-papalit ng brakes?

Mas ok ba na sa casa ako magpapalit ng brakes or pwede po sa auto shop na lang ako buy at sila na din ang mag papalit, ano pong brand ng brake pad ang recommend po ninyo para sa RAV4 model 2004.

Thanks po..