New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    May 2004
    Posts
    326
    #1
    sinubukan kong palitan yong brake pads ko kanina at sabi nila pwede kong gamitin ang G-clamp para i-push yong brake piston pabalik para maipasok yong bagong makapal na pads pero nagkataong medyon maliit lang ang nabili kong G-clamp kaya di ko rin nagamit. sinubukan kong i-push sa pamamagitan ng maliit na pirasong tabla pero di rin sumunod. ganon ba talaga kahirap itong i-push pabalik na di mo magagawa kung wala kang special tools na gagamitin?

  2. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    2,059
    #2
    open thee bleeder screw to let excess brake fluid out. then after replacing them bleeding lang.

    check that the rubber around the piston has no leaks or tears, water might have gone inside and there is rust and will lead to stuck brakes.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,064
    #3
    Yung nangyari sakin ay di ko ma push yung piston. Found out later on na naka stock-up na pala ang piston dahil sa dami dumi sa loob. I ended up pulling out the piston and clean it.

  4. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    36
    #4
    Ginagamit talaga ng special tool yan.Ang mga special tool na nabili ko ay napaka-simple lang design, ready rod(full thread bolt) bolt-in siya sa plate (same size with brake pad) na pinaka-stopper. pwede mo rin gamitin C-clamp. Pinoy kaya mong gumawa niya. Kumuha ka ng 4-6 inch full thread bolt (1/2" dia) at plate. butasan mo lang yung plate sa gitna same size at HAND TAP mo ng size para sa 1/2" Bolt. (di ako sure dun sa size ng TAP para sa 1/2" dia. Siguraduhin mong bawasan ang laman ng Brake fluid reservoir mo kung hindi aapaw yan kapag naitulak mo yung piston. Goodluck.

  5. Join Date
    May 2004
    Posts
    326
    #5
    thanks guys. sa nakita ko wala naman damage yong rubber around the piston, first time ko kasing gawin ito at nag-aalala lang ako na baka nga stuck na to. so ibig sabihin di talaga kaya itong i-push sa pamamagitan lang ng kamay at kapirasong tabla? binabantayan ko naman yong fluid reservoir sakaling baka umapaw ito.

  6. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    36
    #6
    Mahirapan ka kung kamay at kapirasong tabla. Sigurado manghiram ka lang ng (G)C-clamp pwede na yan kaysa bumili ka pa. Kaya mo iyan! (Hwag yung kamay at tabla).

  7. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #7
    super tigas yan..kinakalaban mo yung pressure e pati na yung sikip ng brake piston..

  8. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    6,167
    #8
    Gamit namin mahabang bolt na may nut at vice grip.

  9. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    450
    #9
    usually i just open the bleeder and push the piston back in.. paq medyo matigas pa din, i use a C clamp... just remember to tighten the bleeder again and refiil the brake resevoir.

  10. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    4,866
    #10
    Quote Originally Posted by BlueBimmer
    super tigas yan..kinakalaban mo yung pressure e pati na yung sikip ng brake piston..
    true. natry ko na sa pajero and pinawisan ako dun. :lol:

pushing the brake piston back into the caliper