Quote Originally Posted by desertst0rm View Post
May Brake Drag Reduction Clip/Spring ba yan?

Palaging nakalapat yung brake pad sa rotor pag wala nun. Yung rubber boot lang kasi nagtutulak sa pad pag release mo ng brake pedal. Pag luma or expired na brake fluid pag traffic at uminit na fluid di rin mag reretract brake pad kahit pa may spring. Semi Metallic pati ang friction material ng Brembo. Parang ginto ang price ng rotor at caliper pag Brembo.

Make sure na within specification ang Lateral runout kung hub assembly yan. Kung wheel bearing palitan mo rin. Make sure na may Torque Wrench, Dial Indicator at Micrometer yung mag-iinstall para masiguradong within specs yung mga parts before nila install. Napadami kasi jan na napakagaling magdahilan. Yung manufacturer ng parts ang sisisihin sa kapalpakan nila. Nagkalat kasi nationwide ang shop ng mga SIRAniko. Pa wheel alignment mo sa dealership pagka install para mareset yung mga sensor ng stability control.

OK yung quality ng EBC rotor & pad sa F150, chamfered yung slot walang kanto. Medyo maarte nga lang sa brake pad.
Honestly di ko pa nasilip ng baklas yung brake assembly sa harap. Pag salat lang sa center part ng rotor ramdam na yung bulge sa gitna. Last time nabaklas ito pinareface lang yung rotor. Will check that spring kung meron. Hub bearings ito, di pa nagpapalit since new. Baka nga palitin na din. Thanks for the tip!