mayroon po akong 2004 kia pregio, ang nangyari eh sa kahabaan ng SLEX ang bagal at hindi makaarangkada na pakiramdam ko parang nakapreno. pero hindi ko pinansin kase malakas ang ulan then gumilid na lng ako sa slow lane. iniisip ko na lang na checkin pagdating sa pupuntahan namin..pero worst ang nangyari..approaching toll gate eh slow down na ako syempre, isang apak sa preno, change to lower gear then namatay makina..then ang tigas ng preno..at ayaw magrestart ng makina
nung itatabi na sa gilid eh ang hirap itulak pero pinilit na para hindi na masyado makaabala. after maitabi, eh check ko uli preno eh matigas talga

hindi ko alam ang gagawin eh kase malakas din ulan..so pahinga dun ng 15-20min then try to restart yung makina at salamat n a lang nabuhay at pagtapak ko sa preno eh wala na yung tigas..normal na uli at dahil late na kami..pinatakbo ko na uli kaso pagdating uli sa another toll gate eh naulit uli so pahinga uli hanggang sa makarating sa pupuntahan namin

bakit po kaya nagkaganun? a day before eh nakapunta pa kami ng pampanga na walang ganun at before ng pampanga eh galing naman kami ng lucban then 3 weeks before eh bagong palit brake shoe sa hulihan..linis lang yung harapan

sana mabigyan nyo po ako ng advise..maraming salamats po..