Mga boss me poblema kasi yung power steering ko (not yet sure kung yun nga, me parang squeeking sound paminsan minsan kapag lumiliko, parang pintuan na hindi nalagyan ng grasa, feeling ko metal to metal contact, hindi galing sa belt ung tunog na-check ko na). Base sa aking pagreresearch at pagkalikot sa oto nalaman ko na posibleng ang rack and pinion ko ay may poblema, may tumutulo na fluid pero sobrang kaunti lang ang patak (cguro sa 200km eh mga 3-5patak ng fluid) Dun sa may driver side which i think is acceptable pa naman (diba?).
Nagtanong ako sa zee (tinawagan ko) kung magkano ang labor nila sa pagpalit ng mga piyesa ng rack and pinion gaya ng oil seal etc. 1.5k plus daw depende pa kung may gasgas na sa loob ng tubo which is additional 1.6-2.6k (para yata i-polish. So all in all halos 3k plus ang possibleng magastos(hindi pa kasama yung OEM repair kit which would cost around 1.5k sa nisway, tapos 2.9k sa zee(wow!)).
Nagtanong din ako sa cruven (tinawagan ko din) crame branch ang labor eh 3.5k daw, labor pa lang yun. Nakup!
Since off ko kahapon sinubukan kong inspeksyunin yung oto. Inangat ko ng jack yung harap ng oto, tapos sinubukan kong galaw galawin yung manibela (left right) tapos nagkaroon naman ng tok tok tok sound both sa may driver side at sa may passenger side. So posibleng CV joint naman ang poblema, ang ginawa ko eh kinalas ko yung shock absorber tapos sinubukan kong iliko, nawala yung tunog (hay salamat) so alang poblema yung cv joints, ayos pa ang mga dust cover, alang nagkalat na grasa.
So, pinagdiskitahan ko naman ngayon yung shock (it's due for replacement na din), sinubukan kong ikutin (kagaya ng pagikot kapag naliko) at yun parang pintuan na hindi nalangisan yung tunog.
Iniisip ko kung sa shock ba talaga galing yung tunog o sa may rack and pinion, hindi ko talaga malaman kasi kapag umaandar lang yung oto sila tumutunog ng malakas. Kapag nakahinto hindi masyado malakas tunog.
A pair of front shock would cost 1.5-2.5k each plus labor which is 150bucks ea. Plus shock mount w/c is more or less 600-1k each.
Medyo nalungkot ako kasi masyadong mahal ang posibleng magastos para sa oto.
Hindi talaga kasi malalaman ang sira kung hindi bubuksan o kakalasin yung part na posibleng may sira. Ayoko kasi nung sasabihin mo lang yung tunog o poblemang naramdaman mo sa oto tapos kung anu-ano na ang sasabihin na dapat palitan, tapos take advantage pa lalo na kung walang alam sa sasakyan, dami papalitan na piyesa na hindi naman dapat.
Nagwo-worry lang ako kasi sa gastos, ayokong gumastos na mali yung pinaggastusan ko. Hindi ko kasi kaya ipayos ng sabay sabay. Gusto ko sana eh kung ano lang yung kinakailangang ayusin eh yun lang muna sana.
Tanong ko lang ganun po ba talaga presyuhan sa labor kapag power steering ang poblema?
May marerecommend ba kayo na shop na mura ang labor yet reputable at maayos an gawa?
Madali lang naman ang piyesa, labor lang talaga ang nagpapamahal.
Sana matulungan ninyo ako. Kotse ko po pala eh 93 Sentra eccs. Tnx and more power tsikot and tsikoters!


Reply With Quote
...buti na lang...buti na lang mekaniko tatay ko sa mercedes bens..libre ako lagi sa labor..
