Kakabili ko lang po ng 1st car ko, kia cd5 91 model.
Mejo marami pong fixes na kailangan. And kailangan ko rin po ng tulong nyo.

Eto po yung mga mapapansin na sira:

1. Kapag nililiko ko po sa kaliwa o kanan, may tunog na parang gomang
pinagkikis-kis.

2. Mejo makapit yung preno, hindi ko po alam kung yung emergency break o
yung preno mismo. Hindi madulas pag humihinto. At nagkaron din ng time,
na nasa 3rd gear na ako, ayaw umandar. At nung pag park ko, napansin ko
na umuusok yung front wheel, nung sinubukan ko paandarin hirap na
primera pa lang. After an hour na nakaparada, pinatakbo ku ulit, nawala
naman yung problema.

3. May kaunting tumutulo sa ilalim. Langis. Sabi nila gasket lang daw. Pero
nung tinignan ko yung makina mejo natakpan na ng langis yung water
pump.

4. Kelangan pang apakan yung gas after pag-pihit ng ignition. Hard-start,
tas pag na-apakan mo na yung gas peds. May tutunog na matining sa
isa sa mga belt panandalian lang naman pero masakit sa tenga.

Kelangan ko po ng tulong nyo, baguhan lang talaga ako. Salamat!