Results 1 to 8 of 8
-
June 1st, 2015 11:52 PM #1
Paano po ba malalaman kung talagang kailangan ng palitan yung shocks?
Hindi kasi ako sure kung palitin na talaga yung shocks ko. Hindi na kasi sya nag cocompress kapag uneven yung roads tapos parang "iniiwan" nung gulong yung kalsada na parang bato sa tigas yung pakiramdam. Naka maxspeed lowering springs kasi ako dati kaya feeling ko yun yung reason kung bakit nagkaganito yung shocks ko ngayon. Dapat pala ata magpapalit din ng shocks kapag nag lowering springs.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2006
- Posts
- 6,249
June 2nd, 2015 09:30 AM #2Silipin/kapain mo yung shocks kung basa or parang may grasa o langis na tumagas, kung meron palitin na. Kung wala ka makita na tagas or duda ka pa rin, punta ka sa isang corner or fender ng kotse, push down. Dapat isa o dalawang talbog, tigil na ang galaw ng kotse, more than that palitin na. Do the same for the other wheels. Kapag duda ka pa rin, baklasin mo bawat shock at subukan mo itulak/compress. Dapat lalaban siya, at kapag na-compress mo man, dapat babalik siya.
-
June 2nd, 2015 02:39 PM #3
Wala naman akong nakitang tumutulong langis sa shocks. Tapos nung diniinan ko yung right side sa harap with my weight bumalik lang sya pero di na ulit nag bounce. Pero nag iba kasi talaga yung ride nya e. ipacheck ko nalang mamaya sa shell service para sure. Thanks sa reply nyo sir.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Wala naman akong nakitang tumutulong langis sa shocks. Tapos nung diniinan ko yung right side sa harap with my weight bumalik lang sya pero di na ulit nag bounce. Pero nag iba kasi talaga yung ride nya e. ipacheck ko nalang mamaya sa shell service para sure. Thanks sa reply nyo sir. 😊
-
June 2nd, 2015 04:12 PM #4
kung gas shocks, walang tatagas na langis..... you can only tell pag binaklas.
-
June 2nd, 2015 10:10 PM #5
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2013
- Posts
- 236
June 2nd, 2015 10:35 PM #6Nope, kahit gas shocks mag li leak pa din ng oil yan kung busted na. Gas shock still uses oil in its component. Pero pwede din talaga na walang visible leak pero palitin na din ang shocks. Pero sobrang bihira yun, usually talaga visual inspection lang kung may leak ang shocks para masabing palitin na. Mapa gas o fluid shocks man.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2006
- Posts
- 6,249
June 3rd, 2015 07:57 AM #7Oo, kahit gas shocks may "weeping" at pamamasa pa rin. Pero kung matagal na (kahit sa fluid shocks), pwedeng matuyo na na oil kaya di mo na makita tung tagas. Mararamdaman mo rin naman kung busted na ang shocks, gaya nung nasakyan ko na Bighorn, kahit patag ang kalsada at kahit nakahinto sa stoplight, sige ang galaw at talbog, parang laging tumatakbo off-road.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2011
- Posts
- 12
June 6th, 2015 04:13 PM #8according sa KYB website, best way to know kung sira shocks is a test drive. kapag may naririnig ka na parang bouncing sound sa rough (yun labas na bato sa concrete, hindi lubak) road, time to have it checked. i just replaced mine, una diagnosis is 1 lang may sira, pero i opted to replace 2 sa front, lumabas below par na ang performance ng isa, yun isa sira na talaga, as in naitutulak pababa ng isang daliri at hindi bumabalik until 30secs. marami may free estimates, have it checked.
When was the last time you changed them? If it's been a while, I suggest following your mechanic's...
Rubber boot question (repair or replace)