Hindi po ako masyado familiar sa automotive terms so di ko po alam yung tawag dun sa part na nasira, pero kasi po yung cable ng speedometer di po ba, yung isang dulo nun, dun nakakabit sa gauge, yung lumulusot dun sa firewall papunta sa dashboard, tapos po yung kabilang dulo papunta sa transfer case (tama po ba?) yung sa ilalim na ng makina banda kung nasaan yung mga gear for the speedometer.
Anyway, nasira po yung pinagkakabitan nung speedometer cable dun sa may makina ng sasakyan. Parang nabasag yung isang part nung metal, pabilog po kasi iyon (yung parang housing nya), natanggal yung siguro 1/4 nya. Nakasaksak pa rin naman yung cable dun at di naman natanggal, worried lang po ako baka tuluyang masira. Napapalitan po ba iyon? Bibili ba ako ng bagong transfer case? Or pwede ko pa kaya idikit ulit yung naputol na part using steel epoxy?
Hindi po yung speedometer cable ang nasira, yung parang housing nya. Salamat.