Kanina lang nagpa change na ako ng brake fluid at brake pads. Pansin ko lang after parang more or less same lang ang braking power. pero mas naging progressive di tulad ng dati medyo malalim pa before kakagat. Ride is Honda City 1.5L VTEC CVT. 3 years na siya. So due for a change na.

Bendix yung pinalit. Bendix Standard to be exact. Kelangan pa ba ito i break in? Mag iimprove ba ang kagat nito in the long run? Nag OEM nalang sana ako or ok na rin itong Bendix?

may cracks yung old pads sa gitna. Sa front pads all of them has this crack in the middle. Yung pads naman sa rear disc brakes walang cracks kaso mas manipis na siya kesa sa harapan. Ano kaya ang dahilan bakit may cracks yung sa harapan? normal ba ito?

Thanks!