*webieforums
Sir hindi pa pero nakabili na ako ng oil delo gold lng may nabasa kasi ako sa thread post ata ni sir jolan kahit anong oil basta multigrade sya at saka yun din kasi advice ni Doc OTEP sa akin nung nagkita kami kina Jemson Delo Gold din daw kasi gamit ng mga naka Land Cruiser sir eh.. 710 lng po bili ko yung 4 liters bale 1420 lang po yung dalawa...thanx po..
Ganun po ba, yung gamit ng father-in-law ko sa jeep niya is rev x from petron. Sa father ko naman sa l300 niya, delo gold gamit niya. Yung iba naman na kaibigan ko na naka-mb castrol ang gamit.
Yung tinanong ko about sa motul eh sobrang mahal talaga, nagulat ako sa price na 500 per liter. Meron pa yung isa 600 per liter pero parang rinig ko pang crdi na mga makina daw yun.
![]()
Mga ka MB tanong ko lang kung meron na sa inyo na na-para ng Makati ASBU? Bumagsak ba sa test ang MB nyo? Pinara kase ako last Friday, nagulat ako kase first time ko na pinara ng mga yun. Madalas ko sila nadadaanan pero hindi naman ako pinapara. Ang nakikita ko na madalas nila parahin e yung mga naka isuzu, adventure at iba pa. Buti nalang dala ko yung emission test ko at pinakita ko agad. Kaya pinaalis nadin ako. Pero napansin ko malayo palang ako tinuturo nako ng isang kasama nila na nasa center island. Mukang yun ang taga turo kung sino mga paparahin. Mukang isa nadin ang MB100 sa mga magiging favourite nila parahin.
Natimingan po na yung 1st owner ng van eh sobrang OC sa sasakyan. Marami na rin po siyang gasgas sa may gilid pero nevertheless headturner pa rin ang MB na van, lalo na dito sa la union. Kung may mga nakakasabayan akong MB dito sa amin kahit alam kong biyahero na papunta ng ilocos or pabalik ng manila. Lagi kong binubusinahan. hehe nagugulat nga si mrs eh sabi eh andami ko daw kilala na naka-MB kahit di ko kilala yung kasalubong ko. haha
![]()
Mga sir - first time ko po magpost dito, medyo ngbackread ko na po itong thread natin kso sa page 40 palang ako... 290++ to go
Meron sana akong katanungan na sana masagot ninyo regarding our MB100. Un sa amin po kasi - medyo malambot un suspension sa unahan, sadya po ba talagang malambot ito? kase pgdumaan ako sa humps, nkaka-3 bounce un unahan eh - as in daig pa un bounce ng mga sedan. ganon po ba talaga ang MB100? sa lambot din nya, kahit po nka-idle at nkapark - pg-ngrev po ako medyo ngrereact na un suspension sa unahan. ganon po sya ka-sensitive. normal po ba ito? ang concern po namin is napasobra ata un lambot ng suspension sa unahan eh, parang matalbog na tuloy kaya un mga pasahero medyo nahihilo dahil sobrang talbog.
If hindi po ito normal - meron po ba kayo marerecommend na pwede gumawa ng suspension sa unahan? at mga mgkano po aabutin nito? salamat po mga sir. sana po matulungan ninyo ako.![]()
Sir palitin na po ang shock absorber niyo.... 790 po ang 1 piraso ng Shock po na pang unahan fluid type po iyon.. sa likod naman po 840 fluid type din po... pag kasi gas type masyadong matigas po kasi... DIY lang naman po ang pag papalit madali lang... bili nadin po kayo ng rubber bushing ng shock sa unahan 40 pesos lang po ata yun...
Thanks po sa reply sir,meron po ba specific brand/model na dapat bilhin? KYB na fluid type ang sabihin ko sa autoshop at alam na nila un? If I'm not mistaken bago lang un shocks namin sa unahan, single-action daw un nkalagay hindi ko lang sure kung ano ibig sabihin nun![]()
sir sa shock the best ang mando fluid type po ha...... nasa 1.4k ang isa sa FRONTE or apic... IT WILL LAST FOR YEARS na po.... at mas maganda ang talbog at very very stable sa high speed...
meron din GINZA ang brand fluid type maganda din naman or any korean brand na shock absorber... yung ginza tumagal sakin 4-5years lang...
sir ADVICE ko po mando ang bilhin nyo... OEM na PANG mb talaga yan....
Mga sir, ask ko lang.
pina tingin ko kasi ang water temperature sensor ng mb namin.
tiningnan ang resistance at ito ung results
sa engine block: (halos walang difference sa reading)
*old
*new
sa cylinder head:
*old
*new
sa tingin niyo, kailangan na kayang palitan ang water temperature sensor? maka affect na po kaya yan sa tama dapat na reading? umaakyat parin po kasi ang temperature kahit nilinis na ang radiator, bagong head gasket eh.
ito rin po ung original clutch fan na nilagyan uli ng silicone oil
ok pa kaya ito?
![]()
Gud aftie mga ka-MB... Sino na po sa inyo nakapagpalit ng oil seal sa axel ng Van natin? Parang may tagas na po kasi tranny van natin eh magkano po kaya magkabilaan po at pati narin po dun sa shifter nya ung hinihila po ng shifter cable magkabilaan din po. Nasa magkano po kaya aabutin kung papalitan mga yun mga sir? Any idea po...TIA po...
dinagdagan nila ng isang 18ml na lalagyan. di na kasi magkasya eh. may laman pa naman ung loob.
nagpalit ka ba ng head bolts? kung hindi ay yan na ang resulta.hindi na nakuha ang tamang torque ng c.head bolts at bumubuka ang gasket pag mainit na ang makina. naranasan ko na kasi yan e kaya nagsuggest ako na palitan na rin ang head bolts tuwing mag top overhaul ng mb 100.share ko lang.
Salamat sir Glenn... un nga lang masakit sa bulsa kung 4 na shocks un bibilhin (P6K + labor).
Btw, eto po pala un nkakabit na front shocks namin, korean made sya 'YongJin' un nakalagay na brand tapos meron '2K9' - either production date nya or model yan at hindi ko rin sure kung fluid type ito. basta ang sigurado ko lang sobrang lambot nya, as in pwede mo i-uga un mb nang nkapark tapos mgbounce sya ng at least 2 twice (1st bounce malakas, tpos meron pa 2nd bounce na mahina).
Click this Link for Full Image size
meron bang Fake na SECO Clutch? Pwede bang mag pose ka u ng SECO Clutch Assembly with the BOX. Kasi d2 sa amin mas mura ang SECO kaysa VALEO.
Ginza din po shocks ko. Farher ko kasi nag paservice 4 years ago.
Wala po ata KYB na pang MB? Mando po yung oem. Sa MB ok siya pero yung Mando na shocks po sa Kia Besta namin, every six months sira ang bushing. Buti na lang may warranty pa yung Besta nun time na iyon.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.