
Originally Posted by
holdencaulfield
mga past 12 kagabi, sabay kaming nanood ni esmi ng blended. tapos sabi ko inaantok nako.
nung natulog ako, ayun binangungot ako.
nakabaluktot yung arm ko, tatanggalin ko sana sa ganung posisyon pero hindi ako maka-galaw.
conscious ako, naririnig ko yung pinapanood ni esmi.
gusto kong bumangon o igalaw buong katawan ko pero ayaw talaga.
cool lang ako, alam kong gising na diwa ko, pinilit ko talagang gumalaw.
nakita ako ni esmi parang hirap kaya tinatanong niya kung anong nangyari sakin.
nung unang kilos ko mga braso ko palang unang napagana ko. yung buong body ko nanigas, parang ang bagal ng response sa gusto kong gawin.
iniwasan ko na lang sabihin kay esmi baka mag panick.
uminom ako ng isang basong tubig.
syet! di bale ng magising ako para ma-ihi. at least alam kong buhay pako.
ingat mga chong! inom ng tubig bago matulog.