New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 3 of 16 FirstFirst 123456713 ... LastLast
Results 21 to 30 of 154
  1. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #21
    Magsipilyo ng 3 beses bawat araw
    DOC WILLIE Ni Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) Updated June 23, 2011 12:00 AM Comments (1)




    ISA sa laganap na problema ng Pinoy ay ang pagkasira ng ngipin. Pumunta sa anumang barangay o eskwelahan, karamihan ng mga bata ay sira o nabubulok ang ngipin. Kapag nangyari ito, ang unang iisipin ng magulang ay ipabunot ang ngipin. Paano na ang kinabukasan ng bata?
    Ang may kasalanan talaga nito ay ang mga magulang. Hindi nila tinuturuan ang kanilang anak na magsipilyo. Napatunayan na kapag laging sira ang iyong ngipin, mababawasan ng tatlong taon ang iyong buhay.
    Paano ang tamang pagsisipilyo?
    Ang tamang paggamit ng toothbrush ay iyung nakatagilid sa ngipin ng 45 degrees ang angulo. Hinay-hinay lang ang pag-brush. Ang tamang pag-brush ay pataas-pababa, mula sa pagitan ng gilagid at ngipin.
    Taas-baba lang ang dapat gawin. Ang bawat ngipin ay dapat ma-brush ng 10 beses bawat pagsipilyo. Sa ganitong paraan, matatanggal ang mga dumi na sumiksik sa ngipin.
    Unahin muna ang mga ngipin sa ibaba, bago sa itaas. Mag-brush sa kaliwa, sa gitna at sa kanan. Abutin din hanggang likod ng mga ngipin. I-brush din ang dila. Huwag magmadali. Mag-brush ng higit kumulang sa 3 minuto.
    Mga dagdag na payo para sa ngipin
    1. Kung hindi kayang mag-brush pagkatapos kumain, magmumog na lang maigi sa banyo.


    2. Gumamit din ng dental floss (yung sinulid na pinapasok sa pagitan ng ngipin) araw-araw. Mag-floss kahit isang beses sa isang araw.
    3. Bumili ng panlinis ng dila o Tongue Cleaner. Napatunayan nang makababawas ito ng mabahong hininga at bacteria sa bibig.
    4. Huwag kumain ng matitigas na bagay at baka ma- bali ang inyong ngipin. Dahan-dahan sa pagkagat ng baboy, baka, butong pakwan at iba pa.
    5. Umiwas sa pagkain ng matatamis na pagkain tulad ng candy at chocolates. Nakasisira kasi ito ng ngipin. Magmumog o umi­nom ng tubig pagkaka- in nito.
    6. Huwag hayaan si beybi na makatulog na may bote ng gatas sa bibig. Painumin siya ng tubig pagka-dede para hindi masira ang ngipin.
    7. Huwag uminom ng makulay na inumin tulad ng softdrinks, iced tea at hot teas. Umiwas din sa sigarilyo. Nakadidilaw kasi ang mga ito ng ating ngipin.
    8. Magpakonsulta sa inyong dentista kada anim na buwan.
    Kaya pakiusap ko po sa mga magulang diyan. Turuan ang mga anak na magsipilyo araw-araw. Iwas impeksyon, iwas bad breath at iwas gastos din. Mas mainam na kumpleto at maganda ang ngipin para makakuha ng magandang trabaho.


    Magsipilyo ng 3 beses bawat araw - DOC WILLIE Ni Dr. Willie T. Ong | Pilipino Star Ngayon » Pilipino Star Ngayon Sections » Opinyon

  2. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #22
    'May ulcer kaya ako?'
    WHAT'S UP DOC? Ni Dr. Tranquilino Elicaño Jr. (Pilipino Star Ngayon) Updated June 26, 2011 12:00 AM Comments (0)




    “Dr. Elicaño, madalas po akong makaramdam ng pananakit ng tiyan na tumatagos hanggang likuran. Nakakaramdam din ako ng pagkagutom kahit na kakakain ko lang. Nakakaranas din po ako ng pagduduwal. Pakiramdam ko po ay may ulcer ako. Mayroon kaya akong ulcer Doctor, base sa aking nararamdaman? Ipaliwanag mo po sana kung ang ulcer at paano nagkakaroon nito.” — NORA MANJARES, Tiago St. Sampaloc, Manila
    Hangga’t hindi ka nagpapakunsulta sa doctor, wa­lang makapagsasabi kung ikaw ay may ulcer. Kaya kailangang magpa-checkup ka muna.
    Ang ulcer ay bahaging namamaga sa lining ng sikmura o sa tinatawag na mucosal membrane. Ang sukat nito ay 15 hanggang 25 mm at hugis itlog. Kadalasan, ang ulcer ay nasa duodenum ng maliliit na bituka na matatagpuan naman sa lower posterior wall.
    Ang mga may ulcer ay makadarama ng pananakit ng tiyan at bahaging likuran at kadalasang sumasakit kapag oras ng pagkain. Ang may ulcer ay nakadarama ng pagkabalisa at pakiramdam na parang laging may masakit.
    Maraming examinations kung paano made-detect ang ulcer. Kabilang dito ang endoscopy, analysis of gastric secretions at X-rays. May mga gamot na iniinom para sa ulcer. Kabilang dito ang antacids, carbenoxolone at histamine H2 receptor antanogonists (cimetidine, famotidine, rantidine at nisatidine).
    Light diet lamang ang dapat kainin ng mga may ulcers at iwasan ang irritants foods or drinks. Huwag kumain ng spicy foods at mga mamantika. Iwasan ang coffee at alcohol. Huwag ding manigarilyo.
    Hindi pa malaman ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng ulcer subalit pinaniniwalaang kaugnay ito sa mga pagbabago sa mucous membrane, mucus secretion, acid at pepsin production. May mga gamot na pinaniniwalaang dahilan ng formation ng ulcer at ilan dito ay yung non-steroidal, anti-inflammatory at costicoteroids. pagbabago sa mucous membrane, mucus secretion, acid at pepsin production.
    May mga gamot na pinaniniwalaang dahilan ng formation ng ulcer at ilan dito ay yung non-steroidal, anti-inflammatory at costicoteroids.

  3. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    1,118
    #23
    Quote Originally Posted by desert fox View Post
    Good morning Tsikot Clinic.....

    mga Doks, me konting tanong lang ang ako, sa pagtake ng vitamins ay maganda sa katawan ng tao, anong oras po ba ang the best ng pagintake nito?

    sa umaga, bago kumain o pagkatapos kumain? o anytime of the day?

    salamat Dok!!
    sir DF.. sino po ba iinom? child or adult?

    walang hard and fast rules dito, and ask every physician and you'll get different answers.
    for kids, usually i give them in the morning (as kids are more up and about) or half the day's dose given 2x a day.

    for adults, i usually recommend nighttime. i reserve the morning meds for antihypertensives, anticholesterol agents, and oral hypoglycemics. kasi kung isisingit mo pa vitamins dito, pwede magkaroon ng drug interactions, rendering other drugs useless. remember vitamins is usually a composite of many different drugs, so that's a lot of drug interction for you...

  4. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    1,118
    #24
    Quote Originally Posted by desert fox View Post

    Good day po Dr. Elicaño. Ibig ko lang pong ikunsulta ang nararamdaman ng anak kong lalaki, 5-taong gulang. Lagi pong namamaga ang kanyang mga daliri sa kamay at kumakalat hanggang siko. Masakit daw po kapag nahihipo. Pero pagkalipas naman ng isa o dalawang araw ay nawawala na ang pammamaga at pananakit. Napapansin ko na sumasakit o pamamaga ang kanyang mga daliri kapag malamig ang panahon. Posible kayang may arthritis ang anak ko? Pero di po ba ang arthritis ay sa mga edad 50 pataas lamang tumatama. Sana po ay mabigyang liwanag ako sa nararanasan ng anak ko. Salamat po. — Analyn Pasco, Earnshaw St. Sampaloc, Manila
    Sa mga sinabi mong sintomas, maaaring ang anak mo ay may tinatawag na juvenile rheumatoid arthritis o Still’s disease. Pero mas maganda kung patitingnan mo siya sa doctor para lubusang malaman ang kanyang nararamdaman. Huwag ipagpabukas ang pagpapa-check-up ng anak.
    -mukhang JRA nga.. sadly mahabang gamutan ito. ang nagagawa most of the time is ikontrol lang ang sintomas. but if bigyan ulit ng tsansa, more often than not, bumabalik ito.. worst hindi rin kasi pwede na mahabang pag-inom ng aspirin at steroids.. most commom side effect.. peptic ulcers..

  5. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #25
    Quote Originally Posted by surgeon_jm View Post
    -mukhang JRA nga.. sadly mahabang gamutan ito. ang nagagawa most of the time is ikontrol lang ang sintomas. but if bigyan ulit ng tsansa, more often than not, bumabalik ito.. worst hindi rin kasi pwede na mahabang pag-inom ng aspirin at steroids.. most commom side effect.. peptic ulcers..
    kawawa naman pala ang bata kapag tinamaan nito...

    Dok, Im taking steroids, defropos 2ml 1 shot a month....

    sa ngayon me mga butlig ako sa upper body ko..side effect ba ito? mawawala din ba ito?

    ano pa ba mga side effect ng pagtake ng steroids?

    salamat dok!

  6. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    1,118
    #26
    Quote Originally Posted by desert fox View Post
    Dear Dr. Ong, tanong ko lang kung anong magandang gamot para sa nagpapapayat na katulad ko? Tama ba na magpurga upang lumiit ang tiyan? Puwede ba ako uminom ng slimming pills? Kasi sinubukan kong mag-exercise pero walang epekto. Maraming salamat po. – MINA
    tama si Doc Ong dito.. but meron ako gamot na alam pampapayat..
    METRONIDAZOLE..

    pero before that, e kelangan mo muna uminom ng isang basong tubig mula sa kanal (mas maitim mas grabene epekto)

    at matapos nyan e magdudumi ka na ng napakarami. mamamayat ka. tapos iinom ka na ng metronidazole, hehe!

  7. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #27
    Quote Originally Posted by surgeon_jm View Post
    sir DF.. sino po ba iinom? child or adult?

    walang hard and fast rules dito, and ask every physician and you'll get different answers.
    for kids, usually i give them in the morning (as kids are more up and about) or half the day's dose given 2x a day.

    for adults, i usually recommend nighttime. i reserve the morning meds for antihypertensives, anticholesterol agents, and oral hypoglycemics. kasi kung isisingit mo pa vitamins dito, pwede magkaroon ng drug interactions, rendering other drugs useless. remember vitamins is usually a composite of many different drugs, so that's a lot of drug interction for you...
    ako dok, usually kasi, bago ako umalis pagpasok sa opisina,nagtake ako ng 1stresstab at 1neurobion(vitB) itulak ko ng juice then tubig...minsan nakakaramdam ako ng parang sensation sa sikmura ko...

    eventhough, wala naman akong ibang gamot na iniinom, sundin ko payo nyo dok, bago na lang matulog ako magtake ng vitamins...

    salamat dok!

  8. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    34,812
    #28
    Quote Originally Posted by surgeon_jm View Post
    tama si Doc Ong dito.. but meron ako gamot na alam pampapayat..
    METRONIDAZOLE..

    pero before that, e kelangan mo muna uminom ng isang basong tubig mula sa kanal (mas maitim mas grabene epekto)

    at matapos nyan e magdudumi ka na ng napakarami. mamamayat ka. tapos iinom ka na ng metronidazole, hehe!
    hahaha

    una kala ko seryoso

    taka ako baket antibiotic/antiprotozoal gamit pampapayat

  9. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #29
    Quote Originally Posted by uls View Post
    hahaha

    una kala ko seryoso

    taka ako baket antibiotic/antiprotozoal gamit pampapayat
    oo nga, bakit antibiotic? effective naman ba? di ba makasama sa atay mo yan?

    yung gluta ba effective din ba?

  10. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,554
    #30
    hingi rin ako ng payo

    ano magandang multi vitamins .. lagi kasi ako puyat
    - should i take it before i sleep or every morning din?

    - wala akong ibang karamdaman so no need for maintenance pills

Page 3 of 16 FirstFirst 123456713 ... LastLast
Salamat Dok!!!!