Sabihin na natin may dirty tactics na nangyari. Pero yun way talaga ng paglalaro nila eh nakakapanghinayang. Tama nga, sugod lang sila ng sugod. Ilang beses silang nagpakawala ng tres para lang mahabol ang score pero nganga. Sabi ko nga, bakit ganyan ang ginagawa nila. Instead na gumawa ng play, eh aasa nalang sa tres. Sa bawat tira nila ng tres, wala man lang gustong sumalo, tapos 3 China agad ang nasa loob. Isama mo pa yun pagiging kabado nila. Si Calvin, ilang FT ang na-miss, halatang kinakabahan.

Hayaan na natin ang mga non-calls at dirty tactics nila. Sila rin naman magdadala niyan eh. Pero dapat aminin natin na talagang talo tayo dahil sa kung paano yun laro nila kagabi.

Tsaka di naman dito natatapos ang road to Rio nila. May mga qualifier tournaments pa naman for that at pasok naman tayo doon together with Iran and Japan