nang una ko nakita ito sa USTe..ang lakas mag laro nito .pero ng umakyat sa PBA humina ..kaya nga kung sigawan sa araneta ay "Bobolonia"
nakabawi sia ng maglaro sia uli sa Pasig Pirates (MBA) doon mejo gumanda opensa nia
nang una ko nakita ito sa USTe..ang lakas mag laro nito .pero ng umakyat sa PBA humina ..kaya nga kung sigawan sa araneta ay "Bobolonia"
nakabawi sia ng maglaro sia uli sa Pasig Pirates (MBA) doon mejo gumanda opensa nia
Nagpapayaman ang Air21. Ilang milyon kaya ibinigay ng TNT sa Air21?
Bro resmile ,dito tayo baka mapagalitan tayo doon ..
tagal pa laban kasi ng BGK,
kung sakali manalo ang TnT sila makakaharap ng Ginebra
never pa sila nanalo sa talk n txt di ba ?
pag ako nga pala ang organizer ,kayo naman ang financier...hahaha
financier?KKB!!!
as i have said before, tatamlay ang thread na ito dahil matagal pa laban ng Ginebra. nabuhay ang thread dahil gsm ang usapan. at may kasama pang AF1 ang GSM para sa EB.![]()
who's in for this EB?
usapang Ginebra muna tayo mga kafatid,
di kaya kalawangin ang Ginebra dahil tagal na walang actual game?
lalo ngayon mukhang nag pick up na laro ng TnT ..lumakas pa lalo nadagdag si yancy de ocampo
wag naman sana kasi................."GINEBRA ang HARI"
bro resmile,oo nga tagal wala nag post napahinga din kasi ang laro ng GSM
cguro pag Ginebra vs. SMB sa Finals ganda niya ,
dami mga Beermen fans dito din
may sinasabing bad news sa BGK, re:menk, di ko lang naabutan balita ni quinito, sa laban ng PF at TnT
ang nakita ko, 3 coaching staff ng ginebra watching ng game 3 ng tnt-PF, na wala daw si Menk.. abangan natin column ni quinito
Menk, 'di muna makakalaro dahil sa pakikipagrambol
Masamang balita sa laksa-laksang tagasunod ng Ginebra.
Eentra ang Kings sa semifinal round sa huling linggo ng buwan na ika-ika kung sino man ang kanilang makakatapat dahil sa tuluyang pagkakawala na sa buong conference ng pambatong si Eric Menk.
Naglabasan ang usapan-usapan na naging malubha ang tinamong injury sa paa ni Menk (hinlalaki) sa pagkakasangkot nito sa rambol sa isang kilalang bar sa The Fort kamakailan lang.
Ang nasabing bar ay isang kilalang tambayan ng mga Fil-Ams.
Hindi naman kinumpirma ng Taguig police ang naturang pangyayari dahil walang sinuman ang nagtungo upang magreklamo kaya wala sa police blotter.
Nang kunan ng pahayag ang ilang Ginebra officials na nanood kagabi sa quarterfinals sa Ynares gym sa Antipolo, hindi nila kinumpirma o itinanggi ang nangyari kay Menk. "Talagang may injury siya (Menk) pero wala akong alam tungkol sa nangyari sa The Fort," saad ng isang Ginebra official.
Muling na-injure ni Menk ang kanyang binti sa isang ensayo ng Ginebra bilang preparasyon ng team sa semis. Subalit ang nakuhang injury sa diumano’y pakikipag-away nito ay lubos lang nagpagrabe sa kanyang kondisyon, at sa krusada ng tropa ni Jong Uichico sa semis sa mga susunod na araw.
hay naku!!! menk, nai njured sa gimmick, ok lang sana kung sa game nainjured eh....I think dapat sa duration ng injury niya w/o pay siya para naman matuto na huwag na gimmick ng gimmick...
naku Major Pain yan sa Ginebra..sana ok si erik menk.. but don't worry mga ka-baranggay, malakas pa din tayo.. go go go!
agree Bro SI, malakas pa din tayo at pag kakataon na ni Billy Mamaril at Rafi Reavis sa Playing time ,sa klase ng laro ng TnT ngayon malamang sila makalaban ng Gins sa semis ,
kung mejo nabawasan ng malakas ang ginebra ,
lumakas naman ang TnT sa pag ka add ni Yancy de Ocampo