Sir BratPAQ, free yang upgrade mo?
Alam mo ba bad trip ako dyan kay Globe.. Nagkaroon ako ng trust issue kahit feeling ko gawa-gawa lang ng isip ko..
Nakatanggap ako ng tawag sa kanila last week para free upgrade pero after 6 months from 1699, magiging 1899 na yung MCF ko.. Syempre tinanggihan ko, satisfied na kasi ako dahil ako lang naman ang gumagamit ng net dito sa bahay.. Namamahalan na nga ako sa 1699 na unli hindi ko naman ma-maximize yung internet.. Nanggaling ako sa Plan 999 na capped sa 50GB nung una, hanggang naging 100GB per month ni hindi nga ako nag-over sa 50GB (pre-pandemic) kasi lagi ako nasa labas at ginagamit ko lang net kapag may weekend work ako and nood ng anime ng weekend..
Then Sunday 10PM nawalan na ako ng internet.. Napuno na ako kahapon umaga, nung nakita ko may promo PLDT Unli Fibr 1699 50Mbps tapos may free installation.. Nag-file na ako ng termination request sa Globe, tapos paggising ko meron na ako internet. Tumawag daw yung Globe sabi ng papa ko hindi niya lang ako ginising..
Bad trip!! Parang last time nung Plan 1299 ako na ayaw ko din mag-upgrade to 1699, nagka-network issue din ako na inabot na ng 1 month mahigit di nila ma-fix connection ko hanggang sa napilitan na ako mag-upgrade ng Php1699 yun lang daw nakikita nila paraan (malas pa hindi na free installation at yung upgrade ko)... So anu ito? Naulit uli.. Tsk!!
Mabuti na lang talaga malakas yung Smart Mobile internet ko nakakapag trabaho ako kahit 3 webex meeting sabay-sabay at nakakapag-share desktop pa ako.. Dahil dyan napa-renew na tuloy ako ng Smart Mobile plan ko kahapon, kasi baka lalagpas ako 5GB, yung renew ng plan na sim only lock-in 12 months meron 20GB Data, free 5G din (kaso wala naman ako 5G phone)..





Reply With Quote