Fellow tsikoteers, I visited the Ganzklar store at SM Megamall and they have a promo; buy 1 32 inch Ganzklar LCD TV (1360x768) and get a "free" 26 inch Ganzklar LCD TV. Price is 60k.

Tanong ko lang good buy na ba iyon? Ang specs ng TV nasa www.ganzklar.com.ph. Newbie ako sa mga features ng HDTV eh..

Other questions:

1.) What's the difference between 1080p Ready and 1080p compatible? May nakita kasi ako sa AVID 32" 1080p Ready. Ang pagkakaalam ko kasi para maging true HD (true HD = 1080p) eh kailangan nasa 40" pataas ang TV mo.

2.) Ang LCD TV ba na 32" pataas ay HDTV na din?

3.) Paano sinusukat ang LCD TV when it comes to their picture quality? Sa resolution ba sya (e.g. 1360x768) or sa kung ilan ang kanyang kayang ioutput na in progressive (e.g. 480p, 720p, 1080p)?

4.) Ang salamin ba ng LCD TV pag hinawakan o sinundot ng bata eh babaon ba ito parang laptop (babaon or malambot) or matigas ito parang salamin katulad ng sa mga CRT?

5.) Meron ba kayong table para malaman kung ilan ang katumbas ng 1360x768, 1024x768 etc... etc.. pag kinonvert sa 480p, 480i, 720p etc.. etc..