nasira yong dvd player ng samsung? so ibig bang sabihin ayos pa rin yong amplifier section? meaning pag iba source mo, like radio (kung meron mang radio yon, which i assume it does), me naririnig ka? me audio inputs sa likod yong samsung?
kung yes sagot mo sa mga yon, ganito gawin mo. connect mo yong philips audio out (rca) going to one set of audio in ng samsung. lagay mo yong samsung sa correct source (e.g. aux 1, aux 2, etc.). tapos play mo na philips. kailangan lang pareho silang naka-on tuwing manonood ka.
as for your question kung bakit hindi gumagana, plain dvd player lang ba yong philips? kung oo, tama sila, wala kasi syang amplifier. speakers were meant to be connected to speaker terminals, hindi sa audio out or adapter. tsaka next time be careful when connecting speakers to an amp (or dvd player for this matter). kailangan magmatch yong impedance ng speakers and amp or else pag tagal baka masira sila pareho.