Quote Originally Posted by onedayoldchick View Post
hindi naman ba mafafabricate ng mismo seller yan? baka gumawa lang siya ng madaming account. nilagay niya gooD! nice! very fast..
Pwede nga. Pero sa bawa't feedback may involved na transaction ... kailangan niyang makapagbenta/bumili (fake transaction or not) para makapag-feedback. Kailangang magbayad sa ebay nung nagbenta kada transaction. Kaya mabuti din i-check mo kung ano'ng items ang mga na-ibenta ng seller. Kung barya-barya lang ang items sa mga feedback at kaunti lang - at ang balak mong bilhin eh may kamahalan ang halaga - konting ingat lang. Pero kung marami naman ang feedback, may good idea ka na sa business practice ng seller.