yung mga dinidikit, like using epoxy, liquid nails, double sided tape, etc., lahat yan e kasing tibay lang ng pintura na dinikitan nila. kahit super glue pa gamit mo kung matuklap yung pintura bagsak din yan. so para effective ang mga yan dapat walang paint sa ilalim, bare concrete or wood ang dapat na kapitan.

kung paminsan-minsan mo lang gagamitin pero ayaw mo naman manghiram pwede na yung cheapest na mabibili mo sa raon. e ano ngayon kung sabihin ng mga pros na mahina, madaling masira, fake, copy, local. e di mo naman gagamitin sa negosyo, pang bahay lang na siguro once in a blue moon mo gamitin. kahit may manghiram pa sa iyo at di na ibalik di ka magdaramdam masyado, mura e.