New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,140
    #1
    [SIZE=4]Diniborsiyo sa text message[/SIZE]
    (People's Tonight, CRIME & MYSTERY By JOJO ACUIN) Marami ang natulungan ng cellphone at text messaging pero marami ring buhay at pamilya ang nasira dahil dito.

    ************************************************** ********
    ANG Pilipinas ang tinawag na cellphone capital of the world dahil sa dami ng bilang ng mga Pilipinong nagmamay-ari ng cellphone. Sabi nga, kapag wala kang cellphone ay hindi ka "in" kaya naman bata at matanda, professional at tindera ay makikita mong may hawak na cellphone. Sa modelo at tatak na nga long nagkakatalo. Marami ang natulungan ng cellphone at text messaging pero marami ring buhay at pamilya ang nasira dahil dito.

    Tunghayan ninyo ang kuwento ni Marmi ng Zamboanga City.

    Si Marmi ay tatlong taon ng kasal sa asawa niyang Muslim na ipinanganak at lumaki sa Malaysia. Nagkakilala sila ni Hadji nang magtrabaho si Marmi sa isang department store doon. Mula nang makilala ni Hadji si Marmi ay hindi niya tinigilan ang dalaga hanggang hindi siya sinasagot.

    Sa Malaysia sila nagpakasal at nagpunta roon ang mga magulang at kapatid ni Marmi.

    Masaya ang pagsasama ng mag-asawa subalit pagpasok ng taong 2003 ay nanibago si Marmi sa kabiyak. Napansin niya na madalas ay hindi iyon umuuwi ng bahay at lagi ring nagpapaalam sa kanya na may aasikasuhin sa ibang bansa.

    Tiwala naman si Marmi kay Hadji. Tanggap din niya ang tradisyon ng mga Muslim na maaring mag-asawa hanggang tatlo basta kaya nilang buhayin. Pero hindi alam ni Marmi na maari siyang idiborsiyo ng asawa sa pamamagitan ng text message sa cellphone.

    Mayo ng taong ito, hindi makapaniwala si Marmi nang malamang diborsiyada na siya at maari na muling mag-asawa.

    Nalaman lamang ni Marmi na hiwalay na sila ni Hadji ng aksidenteng makabangga niya ang kaibigan ng asawa at sinabing nanghihinayang siya sa pagsasama ng dalawa. Nagulat si Marmi sa sinabi ng lalaki. Maging ang kausap ay nagulat dahil hindi alam ni Marmi na iniwan na siya ni Hadji.

    Buong akala ni Marmi ay nasa ibang bansa ang asawa at may inaasikasong negosyo subalit itinuro sa kanya ng kaibigan nila ang bahay ni Hadji kung saan nakatira ang bago niyang asawa.

    Nagpunta si Marmi sa bahay na itinuro ng lalaki at nakumpirma niya na doon nakatira si Hadji kasama ang pangalawang asawa.

    Nang kausapin niya si Hadji ay sinabi niyon na hiwalay na sila dahil maraming beses na umano siyang nagpadala ng text message kay Marmi at sinabi roon na maghihiwalay na sila. Sinabi pa umano ni Hadji sa text message na hindi na niya mahal ang asawa at may kapalit na iyon sa puso niya.

    Hindi makapaniwala si Marmi sa sinabi ni Hadji. Nanlambot ang kanyang mga tuhod at napaupo sa labas ng pinto. Mabait naman ang bagong asawa ni Hadji na isang abogada.

    Ipinaliwanag niyon kay Marmi na sa mga Muslim, maaring makipaghiwalay o makipagdiborsiyo sa asawa sa pamamagitan ng pagsasabi na nais na niyang makipaghiwalay at hindi na niya mahal ang asawa. Ang pagsasabi raw niyon ng tatlong beses ay sapat na upang ideklarang hiwalay sila.

    Sinabi rin ng abogada na tanggap sa Malaysia ang paghihiwalay at pagdidiborsiyo sa pamamagitan ng cellphone at text messaging.

    Idinagdag pa ng babae na iba ang batas sa Malaysia at iba ang batas sa Pilipinas. Kung sa Pilipinas ay kailangang maghain ng petisyon para mapawalang-bisa ang kasal, sa Malaysia ay sapat na ang pagsasabi na hindi na mahal ang asawa at nais nang hiwalayan.

    Umuwi si Marmi sa bahay ng lulugo-lugo. Hindi nagtagal, umuwi siya sa Pilipinas at nagtuloy sa mga magulang. Isinilang ni Marmi ang una nilang anak ni Hadji habang ang lalaki ay nakikisama sa ibang babae.

    Nakalulungkot isipin na maraming kababaihan ang hindi alam ang kanilang pinapasok kapag nag-asawa ng isang dayuhan. Iyan ang karaniwang dahilan kung bakit may mga kababayan tayong napapahamak.

    Datapuwat ikinasal ang dalawang tao, may kani-kaniyang batas na sinusunod ang mga dayuhan lalo at sa bansa nila nagpakasal. Sa Malaysia pala ay may ganyang batas at ako man ay hindi makapaniwala na ang isang sagradong bagay na tulad ng kasal ay maaaring ipawalang-bisa sa pamamagitan lamang ng text messaging o paulit-ulit na pagsambit na hindi na mahal ang asawa.

    Tanggapin mo nang maluwag sa dibdib ang nangyari sa pagsasama ninyo ni Hadji. Basta huwag mong pababayaan ang iyong anak dahil iyan ang magiging gabay mo sa pagtanda.

    Nadarama ko na may makikilala kang kababayan mo na magmamahal sa iyo ng tapat at handa kang tanggapin sa kabila ng pagiging diborsiyada mo. Ang lalaking iyon ang makakasama mo habangbuhay at hindi ka ididiborsiyo sa text.

    Lagi mong tatandaan na may nakalaang kapareha para sa bawat nilalang. Hintayin mo lang ang ipagkakaloob sa iyo ng Panginoon at tiyak na magiging maligaya ka sa iyong buhay may asawa.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #2
    talak, talak, talak. yun yata yung sinasabi ng mga muslim pag i-divorce na yung asawa. pero lalaki lang ang pwede gumawa nito para i-dicorce ang asawa nya. di pwede i-divorce ng babae ang kanyang asawa.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,398
    #3
    maraming matutuwa pag pwede sa pinas ang ganyan :bwahaha:

  4. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #4
    aber.ipanukala nga natin yang bill sa Congress na sa Txt Message lang eh pwede ng i-divorce si kumander,he,he,he...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #5
    masyadong madali naman yung divorce rules ng Islam, hehe...kapag mainit ang ulo mo, lasing, or both...you might say something you really don't mean three times and...tapos!

    pwede bang bawiin yung divorce declaration?

Diniborsiyo sa text message