May ginamit akong diagnostic program at lumabas dun na 48 C ang processor temp. at 52 C naman ang board temp. ko kapag idle ang computer. Hindi ba abnormal ang mga values na nakuha ko...? Kapag naglalaro naman ng games, 70 C!!! ang processor temp. at hindi ko pa nacheck yung board temp. kasi sigurado mas mataas yun...
Ang sabi sakin ng technician, hindi raw mapagkakatiwalaan ang mga diagnostic software na freeware kaya sa malamang, mali yung values na nakuha ko... Sinabi din niya na mataas ang 70 C kaya kapag umabot na sa temp. na ito, ipahinga ko raw yung computer. Kapag nag-75 C na, saka niya ichecheck kasi critical na raw iyon.
Ang sabi sakin sa isang computer forum, kapag araw-araw akong naglaro at 70 C palagi, saglit lang sira ang computer. Ano kaya ang magandang gawin...?