New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 2 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 11 to 20 of 43
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,346
    #11
    tsaka grabe ang mga kapwa pinoys natin. noong nag-abroad ako, kala ata ng mga kapitbahay namin pinupulot ko lang ang pera sa abroad. aba eh kung makahingi ng pasalubong e ganun na lang. sa dami nila, mauubos ang dala kong pera.

    sumasama ang loob pag di mo nabigyan ng pasalubong.......t*ngnang yan!
    pinainom mo na, hindi pa nakuntento.

  2. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    38,375
    #12
    pag galing sa hirap tapos nagkapera, usually ginagastos ang pera kasi chance na ma-experience ang di pa na-experience

    noong wala pa pera ini-imagine ang gagawin pag magkapera

    so pag nagkapera na, all out ang gastos

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,335
    #13
    Aside from being unable to manage their finances as the others have mentioned, another problem with them is that maraming nakasalalay sa kanila. They send their other siblings to school, support their parents, pay for the house/condo in which the entire ankan lives in, and put up money for business to be run by a relative (who'll probably squander the money in some cases).

    I do finance for a fairly large real estate company and when i look into the problems concerning unpaid accounts, there are a good number of cases where the source of payment of the units are from OFWs. Either they have been remiss in remitting the money or the katiwala na relative overseeing the unit squandered the money for other purposes. Bwiset nga since when there are times we have to go and talk to the people involved, they'll say that "wala pa yung remittance ni ate//kuya, may emergency expense, etc..." then you'll see them using a brand new Ipad or cellphone.

    Sad plight indeed. All it takes is discipline and knowing where to draw the line. I don't really rely much on any investment programs but we're able to save by simply finding ways to earn more, then we set aside any extra money we have instead of spending it. Pag short ang cashflow, withdraw from savings; pag sobra, deposit ulit sa savings.

  4. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    13,039
    #14
    yung iba kasing ganyan.. bago pa dumating yung padala.. naka utang na nang pang gastos.. so yung padala na dadating.. pambayad utang na lang.. tapos sa end of month.. uutang ulit.. so cycle na lang sya.. so wala na talagang napupunta sa savings.. tapos pag may extra income naman.. buhay milyunaryo.. bili nito.. bili nyan.. bakasyon dito bakasyon don.. hanggang maubos na yung extra.. tapos balik ulit sa cylce nang utang..

    hindi lang naman sa OFW may mga ganyang problema.. baka mas marami pang may ganyang problema na nandito sa bansa natin.. at least pag OFW may steady at medyo malaking income.. yung mga minimum wage earners dito sa atin.. minsan pamasahe pa lang papasok sa opisina pinangungutang na.. maiisip pa ba nila yung savings?

  5. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #15
    Napansin ko rin yan doon sa maliit na munisipyo sa probinsya namin. Madaming nag-aabroad. Napakaliit na munisipyo pero yung mga bahay malalaki at may mga modelong sasakyan sa harap nila. Kailangan lang siguro talaga na ipakita na umasenso sila sa buhay sa ibang tao. At saka mahirap naman mapabalita sa bayan na kuripot, madamot at masama ang ugali.

    I guess may problema talaga sa kultura ang karamihan ng mga Pinoy.

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,931
    #16
    Laro sila Cashflow, how to get out of the rat race

  7. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    578
    #17
    As thru my experience bilang OFW you have to be strict, i've always talk to my wife about life abroad, its tough being away sa loved ones. kaya pag lumalapit yun mga realtives ni misis para humingi nang pera, sorry sapat lang ang pera namin, we just ignore kahit ano ang masasama na mga sinasabi nila. tapos nakamonitor ako pirme sa bank account namin thru internet banking. tapos always we put the money yun kung ano talaga ang kailangan. Maayos na bahay na hinuhulugan, schools sa kids, foods & household expenses, bills, hulog sa car (dahil mahal ang pamasahe sa lugar namin),theraphy na anak kong babae dahil special child. all in all our expenses is around 60K. Savings namin is around 20K per month. But be prepare sometimes there uncertain things that could happened, Just like year my father past away ako ang nagbayad sa hospital and funeral expenses niya worth 80K. Saving money is just discipline yourself of not buying unecessarry things, ako ang gadgets ko lang ay nokia N70 & toshiba laptop na 2004 model pa. Samantala dito sa singapore lahat nang pinoy naka iphone4 pa. pero mga wala naman savings & assets sa pinas. Mayayabang kasi yung ibang pinoy dito.

  8. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    38,375
    #18
    image is everything

    di naman nakikita ng mga tao ang laman ng wallet or bank account

    kahit zero balance basta lagi bago ang gamit

    mga gamit kasi nakikita ng mga tao

    hehe

  9. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #19
    lols! hindi lang yata applicable sa mga OFW yan, pati mga pinoy na nandito ganun din....

    yun ibang mga kakilala namin, magtatayo ng negosyo.... its either a boutique or a bar ang gusto.... tapos after ilan months sarado na....

  10. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,204
    #20
    May kakilala din akong seaman. Pagpadala ng pera, bili ng bagong gadgets si misis. Para sa kanya at para sa mga anak. Pag uwi ni mister sa pinas wala ng pera. Benta lahat ng gadgets. Mangungutang na ngayon yung seaman para sa placement fee.

    After 10 years sa barko, wala ng perang pang college ang panganay. Ang tanga ng mgamagulang. Kawawa ang mga anak.

    Yung isa pang kakilala ko abroad din misis. Si mister naman na naiwan dito kahit may trabaho wala ring pera palagi. Pero nakaline ang telepono. Nakalimutan na ata kung pano mag text. Tawag lang ng tawag. Laging hating gabi umuuwi. Mas gusto kumain sa labas.

    Pampagamot sa anak nila inuutang pa. Pambihira talaga.

Page 2 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Why Most OFW Doesn't Have Savings?