it means that all the citizens of this country must share the responsibility to pay their taxes properly no matter what is their status in life. ang hirap kasi sa atin kung sino pa yung madaya magbayad ng buwis, tax evader at di nagbabayad ay sila pa ang malakas magreklamo.
i've stated before that e-vat is a necessary evil and i would not elaborate further except that during the time of its signing into law, the country or the govt is in danger of not being able to pay its financial obligations. that's the reason why most international credit ratings agency downgraded our ratings at that time.
ihiwalay na po natin ang usapang kurakot dito dahil sa totoo lang napakahirap solusyunan nito.
ano po ba ang kinalaman ng credit ratings ng bansa natin sa evat? kasi kung hindi ipinasa ang evat, ang impression ng mga nagpapautang sa pilipinas ay hindi natin kayang magbayad ng utang dahil kulang ang pondo at kulang ang nakokolektang tax.
ano po ang mangyayari kung bumaba ang credit ratings ng pilipinas? maaring hindi na tayo pautangin o mahirapan na tayong umutang at ang mga inutang natin ay lalaki ang interes. halimbawa po, kung ang utang natin ay $2billion at meron tayong magandang credit rating na "stable", pwedeng ang interest lang nito ay 3% o $60million. pero kung ang credit rating natin ay mababa like "risky", pwedeng ang interest nito ay 10% o $200million. isipin niyo po kung gaano kalaki ang diperensya ng dalawa. kaya kung mababa ang credit ratings ng bansa ay mas malamang na lalong maghirap ang mga mamamayan
eh di wag tayong mangutang problema ba yun? malaking problema po iyon dahil maraming investors ang magdadalawang isip na mamuhunan sa pilipinas dahil ang magiging impression nila ay walang kakayanan ang pilipinas sa pananalapi. malaking problem din po iyon dahil kulang ang magagamit na pondo ng gobyerno para sa pagpapatayo ng mga kalsada, ospital at paaralan.
at ang malaking dahilan sa problem ng bansa sa pananlapi ay mababa ang koleksyon ng tax, maliit ang tax base ng pilipinas at malaki ang ibinabayad nating interest sa utang dahil sa mababang credit ratings ng bansa.
in short, magpapatung-patong ang problem ng pilipinas sa pananalapi.
OT: di po ako taga gobyerno ha, sa private bank ako nagtatrabaho![]()



Reply With Quote
