New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 7 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 62
  1. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #1
    PNoy pumila sa pag-renew ng driver's license



    MANILA, Philippines - Hindi ginamit ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang puwesto upang mapadali ang proseso sa pag-renew ng kanyang driver's license ngayong Huwebes sa Maynila.

    Sinunod ni Aquino ang pila at tamang proseso sa pag-renew ng kanyang lisensya sa opisina ng Land Transportation Office (LTO) sa Tayuman, Maynila.

    Inabot lamang ng halos 30 minuto si Aquino sa opisina ng LTO.

    Nag-renew ng lisensya si Aquino dalawang araw bago ang kanyang ika-54 na kaarawan.

    Kilala si Aquino sa pagsunod nang mga simpleng patakaran, kabilang ang pagsunod sa traffic light kahit nakasalalay ang kanyang seguridad.

    Maaalalang ipinagbawal ng Pangulo ang paggamit ng wang-wang sa kalsada maging sa mga pulis.

    Source: PNoy pumila sa pag-renew ng driver's license | Bansa, Pilipino Star Ngayon Sections, Pilipino Star Ngayon | philstar.com
    yan ang presidente. kung sa mall LTO renewal center baka 10mins lang.

  2. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    805
    #2
    Same sa Singapore, lahat ng ministers at prime minister pumipila.

    Sent from the Twilight Zone...

  3. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #3
    I doubt if binay would do the same,...


    Posted via Tsikot Mobile App

  4. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,283
    #4
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    I doubt if binay would do the same,...


    Posted via Tsikot Mobile App
    knowing binay, dun sya sa releasing magpapa receive, at dun sya sa receiving magpapa release. hehe

  5. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    5,855
    #5
    yan ang pangulo, talagang nasa tuwid na daan, sumusunod talaga sa batas.

    kapag si binay ang nag-renew ng lisensiya, pipila din pero may papayong sa kanya

  6. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    2,071
    #6
    Pag si Binay ang pumila, papabuksan niya un pintuan ng processing at iuuna un sa kanya.

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #7
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    I doubt if binay would do the same,...


    Posted via Tsikot Mobile App
    bubugawin siya.
    mapagkakamalang fixer.

    Sent from my XT910 using Tapatalk 2

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #8
    30 min. na lang pala.
    nung nagrenew ako maghapon akong naghintay.

    Sent from my XT910 using Tapatalk 2

  9. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    893
    #9
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    30 min. na lang pala.
    nung nagrenew ako maghapon akong naghintay.

    Sent from my XT910 using Tapatalk 2
    Kung malapit kayo sa Binondo Area nilalangaw ata yung Tutuban branch nila so mga 15 minutes lang tapos na. Or at least yun yung pagkasabi sakin ng tatay ko nung nagparenew siya last year or 2 years ago, dunno if it still holds true now.


    Posted via Tsikot Mobile App

  10. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #10
    ^

    Ililipat na daw sa sm ung tutuban branch nila sir. Nilalangaw nga kasi.


    Posted via Tsikot Mobile App

Page 1 of 7 12345 ... LastLast

Tags for this Thread

PNoy pumila sa pag-renew ng driver's license